Thursday , June 4 2026

Lifestyle check inisnab ni Jinggoy

HINDI pinatulan ni Senador Jinggoy Estrada ang hamon sa kanila ng testigong si Dennis Cunanan na magpa-lifestyle check gaya ng kanyang pagpayag na sumailalim dito at pagbusisi sa kanyang bank account.

Ayon sa senador, hindi mahalaga na isalang sila sa lifestyle check dahil sa umpisa pa lang ng kaso ay inimbestigahan na ang kanilang bank accounts ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Dagdag pa ni Jinggoy, hindi patas na isabay sila sa lifestyle check sa mga testigo sa paniniwalang nilinis na ito ng pamahalaan.

Nauna nang iginiit ng senador na ang administrasyon ang nasa likod ng lumutang na testigo para idiin sila sa P10 billion pork barrel scam.

Una rito, hinamon ni Cunanan ang mga senador na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na tularan ang kanyang pagpayag na sumailalim sa lifestyle check at ipabusisi ang bank accounts.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …