Wednesday , January 19 2022

Raikko, may kasunod agad na proyekto (After Honesto sa ABS-CBN…)

ni  Reggee Bonoan

SPEAKING of  Honesto, hindi pa man natatapos may bagong project na agad si Raikko Mateo, ang Wansapanataym na mapapanood sa buong buwan ng Abril dahil naniniwala ang Dreamscape Entertainment na maraming makaka-miss sa sa batang cute na ito.

Hindi aware si Raikko na sikat na siya dahil nang tanungin siya kung ano ang nararamdaman niyang matatapos na ang Honesto ay kaswal lang niyang sinabing, “masaya po.”

Kasi nga natupad na ang pangarap niyang mapanood ang sarili sa telebisyon na sa tuwing matatapos ang take ay pinanonood niya kaagad sa monitor ang sarili at kitang-kita na masayang-masaya ang bagets.

Hindi rin alam ni Raikko na nag-trend sa kapwa niya bagets ang pagsusuot ng bonnet na maski tirik ang araw ay may mga bata pa ring may suot nito dahil nga idolo nila si Honesto kaya ginagaya hanggang eskuwelahan.

Samantala, bukod sa bonnet-trending ay malaking factor din na maganda ang istorya ng Honesto kaya ito nanatiling number one sa primetime na maski anong itapat na programa ay hindi natatalo. Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Lunes (Pebrero 24) kung kailan nakuha ng number one primetime teleserye ng ABS-CBN ang pinakabago nitong all-time high national TV rating na 35.6%, o mahigit doble sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Adarna (17.1%).

Wagi rin ang Honesto sa social networking sites tulad ng Twitter na pinag-uusapan at naging worldwide trending topic ang hashtag na #HonestosLastFifteenNights. Higit sa lahat ay maganda ang advocacy ng programa dahil sa takbo ng kuwento nito na tungkol sa ‘honesty’ at sa katunayan ay marami tayong kababayan sa ibang bansa na binigyan ng parangal dahil sa kanilang pagiging tapat sa trabaho.

Bukod kay Raikko ay kasama rin sina Paulo Avelino, Cristine Reyes, Joel Torre, Joseph Marco, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Melissa Ricks, at Eddie Garcia na idinirehe nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor handog ng Dreamscape Entertainment.

About hataw tabloid

Check Also

Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na …

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

Leave a Reply