Monday , October 3 2022

Vhong Navarro balik-trabaho ngayon Linggo (2nd rape kinontra ni Vice)

balik-trabaho  na ang actor/TV host na si Vhong Navarro, matapos and mahigit isang buwang pagpapagaling sa mga pinsala sa  kanyang mukha dahil sa pambubugbog ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee.

Inanunsyo ng Star Cinema nitong Lunes, itutuloy na ni Navarro ang ginagawang horror-comedy movie habang lubos nagpapagaling ng  mga sugat kasabay ng pagdinig sa  kanyang mga isinampang kaso.

“After a month of showbiz hiatus, host-comedian Vhong Navarro is set to be back on the set of his upcoming comedy-horror film ‘Da Possessed’ this week,” banggit sa website ng Star Cinema.

Matatandaang anim kaso ang isinampa ni Navarro laban kina Lee, modelong si Deniece Cornejo at anim iba pa, kaugnay sa insidente sa condominium sa Taguig noong Enero 22.

Nagsampa rin ng kasong rape si Cornejo laban kay Navarro at noong nakaraang linggo, isang dating pageant contestant si Roxanne Acosta Cabañero ang nagreklamong hinalay rin siya ni Navarro noong Abril 2010.

Sa Pebrero 28, itinakdang ang ikatlong pagdinig sa Department of Justice (DoJ) sa mga isinampang kaso nina Navarro at Cornejo.

2ND RAPE KINONTRA  NI VICE

Dumating ang komedyante/TV host na si Vice Ganda sa Pasig Prosecutor’s Office para panumpaan ang inihandang affidavit kaugnay sa kasong rape na isinampa ng dating beauty pageant contestant laban kay Vhong Navarro.

Laman ng kanyang affidavit ang naganap noong Abril 24, 2010 na kontra sa sinasabi ni Roxanne Cabañero na nangyari ang panghahalay.

Sinabi ni Vice, magkasama sila ni Navarro sa concert sa Island Cove sa Kawit, Cavite na nagsimula dakong 9:00 hanggang  12:00 ng hatinggabi.

Pero  binanggit ni Cabañero na hatinggabi nang maganap ang rape sa Pasig City.

Giit ni Vice, bago pa magsimula ang concert hanggang kinabukasan ay magkasama pa sila ni Navarro.

Nakatakdang bumiyahe ang komedyante patungong Amerika, Miyerkoles ng gabi para sa kanyang mga serye ng konsert kaya hindi siya makadadalo sa preliminary investigation.

Hindi mismo isinumite ni Vice ang affidavit bagkus ito’y pinapirmahan kay Prosecutor Robinson Landicho na magagamit sa counter affidavit na isusumite ng kampo ni Navarro sa preliminary investigation sa Marso 13.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan

Mahigit 4,000 na evacuees sa Bulacan bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos ang Super TY Karding

MAY kabuuang 4,760 na indibidwal ang ligtas nang nakabalik sa kanilang mga tahanan noong Martes, …

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

 ISANG espesyal na pagpupugay para parangalan ang limang ‘bayaning tagapagligtas’ na nasawi habang nagliligtas ng …

Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD

BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog …

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

Leave a Reply