Wednesday , September 28 2022

Upak ni FVR no pansin sa Palasyo

DEADMA ang Palasyo sa mga batikos ni dating Pangulong Fidel Ramos sa administrasyong Aquino, lalo na ang paglala ng kahirapan sa bansa.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kinikilala ng administrasyon ang kinakaharap na mabibigat na suliranin at isyu, at patuloy na humahanap ang Malacanang ng solusyon  sa mga ito.

“The administration is aware of the country’s problems and the issues we face. We continue to strive to find solutions and programs to address these needs,” ayon pa kay Valte.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power 1 Revolution sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Ramos mistulang mga bombang nakahanda nang sumabog ang mga problemang panlipunan ng bansa dahil sa kawalan ng aksyon ng administrasyong Aquino.

Giit ni Ramos, lalong lumubha ang kahirapan at ang agwat ng mayayaman at mahihirap, mataas na presyo ng mga bilihin, korupsyon, gayundin ang poor governance at pamamayagpag ng dynasties, monopolies at oligarchs.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Arrest Posas Handcuff

Sa P.6-M shabu
‘ILLEGAL DRUG DEALER’ ARESTADO SA KANKALOO

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong …

shabu drug arrest

Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust

TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …

Leave a Reply