Wednesday , September 28 2022

Derek Ramsay, hindi marunong mang-ahas ng babae

ni  Nonie V. Nicasio 

       

GAGANAP si Derek Ramsay bilang balikbayang na-in love sa may asawa sa pelikulang pang-TV ng Studio5 Original Movies na pinamagatang Bawat Sandali.  Ito ang pang-grand finale sa naturang love month series ng TV5 na mula sa pamamahala nina Direk Joel Lamangan at Eric Quizon.

Kung dito ay gumanap si Derek bilang ‘the other man’ ni Angel, sinabi ng hunk actor na in real life ay hindi pa niya naranasan ito. “None that I’ve known of. So, let’s just keep it at that para masaya,” nakatawang wika niya.

“No, I’ve never experienced anything like that. Hindi ako ahas, kapag may boyfriend, stay away, stay away,” dagdag pa ni Derek.

Nagkuwento pa si Derek tungkol sa Bawat Sandali. “It’s a movie made for TV, dito ay mai-in-love ako kay Angel. Si Angel naman parang magkakaroon siya ng moment of weakness, parang may problema ‘yung marriage niya.

“So, when I bumped into her, I naturally get attracted… may mangyayari and she will feel guilty after may nangyari sa amin. In the process, lalayo siya sa akin at hahabulin nang hahabulin ko, dahil na in-love nga ako and then malalaglag nga ako sa bintana. And then akala niya patay na ako, but buhay pa pala ako.

“So, she disposed of the body, of course she didn’t want to ruin her marriage and then nahanap ‘yung katawan ko, buhay pa pala ako. So, I come back, pero ‘pag balik ko, wala na akong maalala,” mahabang kuwento ni Derek.

Ang Bawat Sandali ay mapapanood na bukas, February 25, sa ganap na 8 ng gabi. Bukod kay Derek, ito’y tinatampukan din nina Angel Aquino, Yul Servo, Mylene Dizon, Phillip Salvador, Mon Confiado, at iba pa.

Maribel Aunor, gusto nang tuldukan ang tampuHan kay Guy

NAKAHUNTAHAN namin last Friday ang mag-inang Maribel at Marion Aunor sa isang restaurant sa Serendra, Bonifacio Global City. Dito ay inusisa namin si Maribel hinggil sa tampuhan nila ng pinsang si Nora Aunor.

Para sa dating teenstar noong 70’s, naniniwala siyang darating din ang panahon na magkaka-ayos sila ni Nora. ‘Ika nga, blood is thicker than water at pareho daw sila ni Nora na kapag nagkita ay parang wala lang nangyari.

Ang problema lang daw ta-laga, ang mga taong nagpapara-ting ng kung ano-anong maling balita sa Superstar, kaya nagkaroon sila ng tampuhan ng kanyang pinsang buo.

“Sa aming angkan kasi, ang sinasabi kapag ganyang mayroong mga tampuhan, dapat daw na mas maunang magpakumbaba o lumapit ang mas nakababata. Ang kaso naman, ang pagkaalam ko ay sobrang busy ngayon si Ate Guy and ako naman din minsan, matigas ang ulo ko,” nakatawang saad ni Lala.

“Kasi din naman, si Ate Guy, kapag naunahan ‘yan ng sumbong ng iba, naniniwala. Pero ‘pag naman nagkita kayo ni Ate Guy, parang walang nangyari, ganoon siya. Ang gusto ko na lang iparating kay Ate Guy ay magkamag-anak kami. Kilala naman niya ako, kami na lang dalawa ang mag-usap.

“Huwag siyang maniwala sa mga parating na salita ng ibang tao. Kilala naman niya ako, na hindi naman kasi ako plastik na tao na maglilihim ng kung ano ang nasa kalooban ko. Si Ate Guy din naman, hindi rin naman siya plastik na tao e.

“Kung nagkaroon kami ng gusot, isipin din naman niya ang magaganda naming pinagsama-han noon,” esplika pa ng isa sa dating stars ng Apat na Sikat.

Nabanggit pa ni Ms. Lala na dapat ay ninang ni Marion si Ate Guy. “Nang ipinagbubuntis ko pa nga lang si Marion, si Ate Guy mismo ang nagsabi sa akin na gusto raw niyang maging ninang ng magiging anak ko. E kaso nga, hindi natuloy. Kaya nang binyagan si Marion, hindi ko na lang inilagay ang pangalan ni Ate Guy sa listahan ng mga ninang ni Marion.”

Isa pang nabanggit ni Lala ay ang 84-year old niyang mother na si Mamay Belen na siyang unang naging mentor/handler ni Nora noong nagsisimula pa lang sa showbiz ang award winning actress.  Si Mamay Belen din ang kumupkop kay Nora nang pumunta ito sa Maynila at nagdala sa Tawag ng Tanghalan.

Hinahanap-hanap daw ni Mamay Belen si Guy. Nagtataka raw ang mother niya kapag napapanood si Guy sa TV.  “Kapag ini-interview si Ate Guy sa TV at napapanood ni Mamay, sabi niya, ‘Bakit hindi na ako nababanggit ni Guy?’”

Kaya inalis na lang daw nila ang TV sa room ng kanyang mother.

About hataw tabloid

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply