Tuesday , September 27 2022

Ikaw Lamang, trailer pa lang may dating na!

ni  Maricris Valdez Nicasio

KAGABI, nasaksihan ang full trailer ng bagong programang handog ng Dreamscape Entertainment TV at ABS-CBN2, ang Ikaw Lamang na tinatampukan nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu.

Tunay namang kamangha-mangha ang istorya at husay ng mga artista na sinuportahan pa nina Cherie Gil, Ronaldo Valdez, Cherie Pie Picache, Angel Aquino, John Estrada, Tirso Cruz III, at Meryll Soriano.

Hindi nakapagtatakang tagurian itong Master Drama Series ng Kapamilya Network dahil maituturing na once in a lifetime TV event nga naman na mapagsama ang Prinsesa at Hari ng Teleserye, sina Kim at Coco at idagdag pa sina Julia at Jake. Ano pa ang hahanapin mo nga naman?

Ang Ikaw Lamang  ay isang “timeless love story” nina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) at kung paano ito naging timeless love story, iyon ang dapat nating tutukan gabi-gabi.

Maganda ang pagkakalahad ng istorya (bagamat base pa lamang sa trailer) at nakaiintriga kung paano tatakbo pa ang pag-iibigan nina Samuel at Isabelle.

Sa kabilang banda, sinabi ni Kim na ninerbiyos siya sa proyektong ito dahil pawang magagaling ang kasama niya rito. “Siyempre sa lahat ng project doon ka kakabahan, siyempre siguro mayabang na mayabang ka na kung okay lang sa ‘yo. Siyempre kakabahan ka rin kasi ito bagong team-up and lahat ng artista rito may award. Buti na lang nakasungkit ako ng isa kung hindi left out ako, wala akong award,” ani Kim sa isang interbyu sa kanya.

Kasama rin sa cast ang mga magagaling na batang aktor na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Alyanna Angeles, at Louise Abuel. Ang Ikaw Lamang ay idinirehe nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

About hataw tabloid

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply