Wednesday , October 5 2022

FDA, NBI sinalakay warehouse ng drugs! (Sa Parañaque City na naman …)

SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng National Bureau of Investigation at Food and Drug Administration ang isang warehouse ng kilalang tindahan ng generic drugstore sa Parañaque, na nasamsam ang  maraming produktong hindi nakarehistro sa FDA.

Dinala ang mga nakompiskang ‘drug concoctions’  sa FDA headquarters para alamin kung saan nanggaling ang mga natu-rang gamot.

Ang isang drug product  na nakita sa warehouse at ngayon ay  sinusuring maigi ng mga chemists ng FDA ay isang sikat na produkto laban sa singaw o mouth sore.

Ipinagtataka ng FDA kung bakit mayroon ganoong produkto ang nasabing generic drug store chain samantala hindi naman na-submit ang produkto sa FDA sa imbentaryo nila.

Sabi ng isang opisyal ng FDA, inaalam pa ang registration numbers ng marami sa mga produktong nakompiska para ikompara sa mga rehistro ng mga nagmamay-ari ng naturang drugs.

Estrikto na ngayon ang FDA sa naglipanang mga produkto na inilalako dahil iyong iba ay napag-alamang nakasisira sa kalusu-gan at ang iba ay nakamamatay. Kamakailan lamang  ay nagbi-gay ng alert notice ang FDA laban sa ilang slimming products dahil masama sa kalusugan.

Ayon sa FDA, idi-dispose ang mga nasamsam na drug products nang naaayon sa batas. Ibig sabihin, kapag ang mga nakuhang drugs ay hindi naka-register sa FDA, ang mga ito ay susunugin.

Tinatayang lagpas P200 million ang kabuuan ng mga nasamsam na gamot sa naturang raid.

Naging mahigpit na ang FDA sa pagbabantay at pangangalaga ng kalusugan ng mga tao mula nang  maupo si Dr. Kenneth Hartigan-Go, isang toxico-logist, internist at dating propesor sa Asian Institute of Management.

Kamakailan, ipinainspeksi-yon ni Dr. Go ang mahigit 100 tourist establishments katulad ng mga hotel at napag-alaman na ang supplier ng toiletries ay walang lisensiya sa FDA para magsuplay ng mga naturang produkto.

Marami sa  toiletries suppliers ay walang License to Ope-rate na galing sa FDA at dahil dito ay binalaan ng FDA ang mga hotel.

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …

Leave a Reply