Saturday , January 29 2022

Palawan, Masbate pinabayaan ng DoH (Walang medisina)

PAKIKILUSIN ng Malacañang ang Department of Health (DoH) para tugunan ang pangangailangan ng mga gamot sa mga liblib na isla sa Palawan at maging sa lalawigan ng Masbate.

Magugunitang napaulat na mistulang nakalimutan ng gobyerno ang paghahatid ng serbisyo sa nabanggit na mga lugar lalo na sa programang pangkalusugan dahil hindi sila nasasayaran man lang ng mga gamot mula sa DoH.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, may mga tanggapan ang DoH sa 81 lalawigan sa bansa kaya nakapagtatakang may mga liblib na lugar at mga islang hindi pa nararating ng serbisyo ng gobyerno.

Imumungkahi ng Malacañang kay Health Sec. Enrique Ona na punta-han ang mga malalayong lugar para mabatid ang kondisyon ng mga mamamayan nangangailangan ng atensyon ng gobyerno.                 (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

abs cbn

 ABS-CBN pinaghati-hatian na

I-FLEXni Jun Nardo PINAGHATIAN na ang iba pang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN. Unang …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

NBI Landbank

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll …

012822 Hataw Frontpage

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas …

electricity meralco

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas …

Leave a Reply