Saturday , October 1 2022

Lumalaking bilang ng ‘jobless’ sa Pinas ipinagtataka ni PNoy

00 Bulabugin JSY

“WHAT went wrong?”

‘Yan daw ang tanong ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Pero hindi po sapat ang tanong na ‘yan. Dapat mayroong magsabi kay PNoy na, “There’s something wrong talaga …”

Ano po ang mga nakikita nating wrong? Wala na pong pumapasok na mga bagong investors sa ating bansa.

Walang bagong negosyong nagbubukas.

Sinong  magbubukas ‘e lahat ng negosyo kontrolado ng malalaking ‘MALL’ sa bansa.

Ang ‘CALL CENTER’ industry ay unti-unti na rin nagpu-PULLOUT sa Philippine my Philippines dahil sa napakataas na  overhead sa KORYENTE.

Problema po ‘yan sa private sector.

‘E sa public sector naman, walang hiring sa gobyerno. At sa Marso ay ipatutupad na ang rationalization plan sa Department of Education (DepEd). ‘Yun ibang ahensiya ng gobyerno ay nagsimula nang i-implement ang rationalization.

Marami silang ireretiro pero magre-REHIRE ba sila?!

O muling ibubuhos ni  DepEd Secretary Armin Luistro ang pondo ng gobyerno sa mga private schools?!

Ilan ang gumagradweyt taon-taon sa iba’t ibang unibersidad/kolehiyo sa buong bansa pero walang garantiya na makapapasok ng trabaho?!

‘Yung mga gustong umalis ng bansa at maghanap ng trabaho sa ibang bansa, hinaharang at pinipigilan naman sa Airport.

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung mas marami ang mga nakatambay kaysa mayroong trabaho?!

Ano sa palagay ninyo, Pangulong NOYNOY?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply