Saturday , July 27 2024

Pasay PNP ‘nganga’ sa inambus na Chinese family

INAALAM pa ng pulisya ang motibo sa naganap na pananambang sa mag-anak na Chinese kamakalawa ng hapon sa Andrews AvenuePasay City.

Sinabi ni Pasay City police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa pananambang sa pamilya Sy.

Patuloy na inoobserbahan ang mag-asawa sa isang pagamutan na sina Minjiang Sy, 48; misis na si Kim Sham Hong, 43, at ang mga anak na sina Jai Mae Hong, 20, at Wesley, 6-anyos, ay nasa mabuting kalagayan.

Ayon kay P/Chief Inspector Joey Goforth, dakong 4:30 ng hapon nang tambangan ang mag-anak lulan ng kanilang sasakyan, sa southbound lane sa Andrews Avenue, kamakalawa ng hapon .

Narekober ng pulisya ang walong basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa lugar ng krimen.

(JAJA GARCIA)

PARAK PATAY SA TANDEM

NAGAWANG sagipin ng isang amang  pulis ang buhay ng dalawa niyang anak na kaangkas niya sa motoriklo, nang pagbabarilin siya ng mga suspek sakay ng motorsiklo, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay city police chief Sr. Supt. Florencio Ortilla, ang biktimang si PO3 Alih Butal, nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at  dating nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-6) Pasay police.

Namatay si Butal sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Sa imbestigasyon ni Marlon Golondrina ng Investigation Detective & Management Section (IDMS), nangyari ang pamamaril dakong 9:00 ng umaga sa  Aurora Blvd. kanto ng Legaspi St., ng siyudad.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (TU-5408) kaangkas ang dalawang anak upang magsimba, nang sumulpot galing likuran ang mga suspek na lulan ng motorsiklo na walang plaka at agad pinagbabaril ang biktima.

Para hindi madamay ang kanyang mga anak, niyakap niya ang dalawa hanggang bumagsak sa motorsiklo na dagan-dagan ng biktima .

Rumesponde agad ang mga tauhan ni P/Chief Insp. Felimon Cacap, pero hindi nila naabutan ang mga suspek na tumakas patungong Andrews Avenue ng lungsod.

Ayon sa tiyahin ng biktima, wala siyang alam na  kaaway ang pamangkin.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *