Sunday , October 2 2022

Space clearing

ANG space clearing ay madalas na ginagamit sa feng shui. Bagama’t hindi traditional feng shui application, ang space clearing ay naging bahagi na ng contemporary feng shui work.

Ang ibig sabihin ng speace clearing ay paglilinis ng space sa energy level. Ito ay ancient art na araw-araw na ginagawa ng maraming old cultures – mula sa India at Bali hanggang sa Peru at Morocco – at maraming pamamaraan at materyal na ginagamit para sa space clearing.

An g dahilan kung bakit kailangan ng space clearing ay simple: katulad ng physical level, may makikita kang alikabok at dumi na naiipon sa iyong bahay bunga ng araw-araw na mga aktibidad, ganito rin ang nangyayari sa energy levels. Maaaring hindi mo makita ang “dust and dirt” ng human emotions, ngunit ito ay naiipon sa ano mang space, kaya makabubuting linisin ito nang regular.

Inirerekomenda na magsagawa ng masusing space clearing session ng kahit isang beses kada taon sa inyong bahay, o makaraan ang intense events na may negative energy, katulad ng divorce, halimbawa. Mahalagang malinis ang space ng bahay na inyong lilipatan, lalo na kung ito ay foreclosure house.

Ang light form ng space clearing ay maaaring gamitin tuwing lilinisin ang bahay sa physical level, gayundin bago at matapos ang clutter clearing sessions.

Alamin ang inyong paborito at most enjoyable way ng space clearing at ito ang gamitin nang madalas. Marami ang ayaw magsagawa ng smudging sa kanilang lugar, ngunit gumagamit sila ng essential oils para sa nasabi ring layunin.

Maaaring gumamit ng kombinasyon ng space clearing araw-araw. Maaaring mag-smudge, ngunit imbes na big smudge stick bundle, mainam ding gumamit ng magkakahiwalay na small stalks ng sage. Ang sage ay “deeply purifying and grounding”

Makaraan ang sage, maaari namang gumamit ng isa o dalawang stalk ng lavender, at tiyak na kakalma ka sa bango nito. Maaari ring sabayan ito ng small tea light candle burning at gamitin din ang essential oil diffuser.

Mag-eksperimento ng iba’t ibang pamamaraan at pumili nang tugma para sa iyo. Para sa daily or weekly use, gumamit ng easy space clearing solution.

Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake. Ito ang ibinahagi ng Ultimate …

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

Leave a Reply