Thursday , June 4 2026

Just Call Me Lucky (Part 38)

PROBLEMA NG BAYAN ANG  USAPAN NAMIN NI MR. GENIUS AT ORANGUTAN ANG SOLUSYON

Pinagbigyan ko si Mr. Genius. Excited din naman akong makita ang dating mga  katropa. Idinaos namin sa function hall ng isang kilalang restaurant sa Rosario ang reunion. Pagkaraan ng konting wentu-wentuhan ay naghapi-hapi na kami. Bumaha doon ng alak at pulutan. Pero maya’t maya ang pangangalabit sa akin ni Mr. Genius na kata-bi ko sa upuan. Kung ang karamihan sa amin ay babae ang paboritong paksa, ang sa kanya ay pawang problema ng bansa. Naalala ko tuloy si Macky, ang kabataang aktibista ng Uste na nanghihikayat noon sa akin na sumapi sa isang makabayang kilusan.

Inisa-isa sa akin ni Mr. Genius ang mga maiskandalong kontrobersiya sa pamahalaan ng mga nakaraang administrasyon: PEA-Amari, Behest Loan, Euro General,  NBN-ZTE at gayundin ang kasuka-sukang Fertilizer Fund Scam, Pork Barrel Scam at kung anu-ano pa na unti-unti nang nalili-bing sa limot.  “Sa kapal ng mukha nila ay ‘di na tinatablan ng hiya kahit araw-arawin ang mga kilos-protesta laban sa kanila.” Naitanong ko: “May magagawa ba tayo?” Ang sagot niya ay “mayroon akong naiisip na solusyon…”

Nag-flashback muna siya sa pelikulang Rise of the Planet of the Apes noong 2001. Nakita raw niya rito na ang mga orangutan ay may utak na parang sa tao. Matatalino at madaling matuto raw. Aniya’y mag-aalaga siya ng mga sandosena nito. Tuturuan itong humawak ng baril. Tapos ay sasanayin daw niya para maging isang hit squad. Lahat aniya ng mga magkakasala sa bayan ay parurusahan. Naniniwala siya na higit na magi-ging epektibo ang orangutan sa gayong gawain kumpara sa tao na nagtataglay ng mga kahinaan. “Ang tao’y posibleng magkaroon ng takot pumatay, maaaring maawa sa ipinapapatay o pangibabawan ng pansari-ling interes na sa halip likidahin ang target ay makipagnegosasyon para magpasuhol…”

(Itutuloy

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …