Saturday , October 1 2022

Lookout order vs Lee, Cornejo et al, inilabas

NAGPALABAS na ng lookout bulletin order ang Department of Justice (DoJ) laban sa mga inireklamo ng TV host/actor na si Vhong Navarro na nambugbog sa kanya noong gabi ng Enero 22.

Sa apat pahinang memorandum na nilagdaan ni DoJ Secretary Leila de Lima, iniutos niya na mailagay sa “lookout bulletin” ng Bureau of Immigration (BI) sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Rance.

Ang nasabing kautusan ay bilang tugon ng BI sa criminal case na isinampa ng 37-year-old actor at National Bureau of Investigation (NBI) na serious illegal detention at serious physical injuries.

Kaugnay nito, inatasan ni BI Commissioner Siegfried Mison ang immigration counters ng international ports at seaports na agad makipag-ugnayan sa National Prosecution Service (NPS) sakaling lalabas ng bansa ang mga akusado.

Samantala, nagtalaga na ang DoJ ng panel of prosecutors na hahawak sa mga kasong isinampa ni Navarro laban kina Lee, Cornejo at iba pa na may kaugnayan sa pambubugbog sa kanya.

Sa kautusan na nilagdaan ni DoJ Prosecutor General Claro Arellano, itinalaga na hahawak sa preliminary investigation sa kasong isinampa ni Navarro ay sina Assistant State Prosecutor Olivia L. Torrevillas, Assistant State Prosecutor Hazel C. Decena-Valdez at Assistant State Prosecutor Marie Elvira B. Herrera.

Napag-alaman na kabilang sa mga kasong isinampa kamakailan ng NBI at ni Navarro ay ang serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …

092722 Hataw Frontpage

Sa agrikultura
P141.38-M PINSALA NI KARDING 

TINATAYANG aabot sa P141.38 milyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dulot ng bagyong Karding, …

5 RESCUERS PATAY SA FLASH FLOOD NG ULAN NI KARDING (Sa San Miguel, Bulacan)

Sa San Miguel, Bulacan
5 RESCUERS PATAY SA FLASH FLOOD NG ULAN NI KARDING

BINAWIAN ng buhay ang limang rescuers sa matinding pagbaha sa Brgy. Camias, bayan ng San …

Leave a Reply