Jen, aminadong mahal pa rin si Luis

NAGMARKA sa amin ang sagot ni Jennylyn Mercado kay Heart Evangelista nang tanungin siya sa Startalk kung mahal pa ba niya ang ex-boyfriend na si Luis Manzano?

“Hearty, may expiration date ba ang pagmamahal?” makahulugan niyang sagot na ibinalik lang ang tanong.

Pero napagod si Jen at ayaw niya munang magka-lovelife ulit. Mas una raw niyang mamahalin ngayon ang sarili bago ang ibang tao.

Pero umaasam pa rin siya na balang araw ay may lalaking mag-aalok sa kanya ng beach wedding pero package ‘yun sa anak niya (Alex Jazz).

‘Yun na!

(ROLDAN CASTRO)