Friday , May 17 2024

Collectors’ license idinepensa ng PNP chief (Sa bagong firearms law)

IDINEPENSA ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang ipatutupad na bagong firearms law kaugnay ng pagpapahintulot sa isang indibidwal na magmay-ari ng 15 baril.

Ayon kay Purisima, legal ito sa ilalim ng bagong batas at lalabas naman aniya ito sa kategoryang collectors’ license na tiniyak niyang daraan din sa butas ng karayom sa pagpaparehistro ang mga may-ari nito.

Dagdag ni Purisima, hindi lahat ng baril ng isang gun collector ay bibigyan ng permit to carry at may limitasyon sila sa bilang na itatakda kung ilan lang ang maaaring ibigay na lisensya.

Una nang kinuwestyon ng PNP chief ang mga bumabatikos sa bagong ipatutupad na firearms law kung bakit ngayon lang naglabas ng pagtutol sa RA 10591 na sana aniya ay ginawa habang binabalangkas ang implementing rules and regulations(IRR).   (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

BuCor CHR NBP Bilibid

CHR umarangkada vs strip search ng BuCor

TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human …

SHS graduates may libreng TESDA skills assessment sa 2025

MAKATATANGGAP ng libreng TESDA skills assessments ang mga Senior High School (SHS) sa ilalim ng …

Philippines Plane

Para sa DFA
Travel agencies humiling na ikonsidera estriktong ‘visa rules’ sa Chinese tourists

DAPAT timbangin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy ang positibo at negatibong …

Nuclear Energy Electricity

Unang nuclear power plant posibleng buksan at magamit pagsapit ng taong 2032 – DOE

POSIBLENG mabuksan at magamit ang kauna-unahang Nuclear Power Plant sa Filipinas pagsapit ng taong 2032. …

PHil pinas China

Higpit sa visa vs Chinese tourist ‘di dahil sa WPS tension – DFA

MARIING itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang patuloy na tensiyon sa West …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *