Thursday , June 4 2026

Kris, pag-asa ng showbiz! (Para matapos ang sigalot sa MMDA)

WALANG ibang personalidad ang naiisip si Laguna Governor ER Ejercito to mediate between the film industry workers and the MMDAsa isyu ng revenues na taon-taong kinikita mula sa Metro Manila Film Festival kundi si Kris Aquino.

Kamakailan, kinuwestiyon ni Leo Martinez kung saan napupunta ang ng mga kinikita sa nakaraang MMFF.Kasabay nito, inalmahan din ng mga taga-industriya ng pelikulang Filipino ang mataas na porsiyentong diretso sa kabang-yaman ng gobyerno, dahilan kung bakit walang maipatupad na proyekto na dapat sana’y pinakikinabangan nila.

Gov. ER shared a bit of history sa presscon ng kanyang festival entry, ang Shoot to Kill: Boy Golden (The Arturo Porcuna Story). Aniya, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyonagsimulangitaas from five to 30% ang kinukubra ng gobyerno (but in fairness, bumaba naman hanggang 10% ang amusement tax maliban sa Cebu that charges 30%).

Naalala tuloy ni Gov. ER ang panawagan ng kanyang ninong na si Fernando Poe Jr.noong alkalde pa lang siya ng Pagsanjan, Laguna.”Sabi sa akin ni Ninong Ron, ‘O, inaanak, politiko ka na rin.Sana kahit minsan sa isang taon, eh, gumawaka pa rin ng pelikula para makatulong ka sa mga manggagawa sa industriya natin.”

Hence, ilang sunod-sunod na MMFF ang walang mintis na sinasalihan ni Gov. ER. As for the industry workers’concerns, naniniwala siyang may kakayahan si Kris na kumbinsihin ang kanyang kuyang Pangulo para maibalik sa rati ang ganansiyang para sa mga manggagawa ng pelikulang Pinoy.

Paging Kris Aquino.

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …