Wednesday , May 22 2024

Open letter kay Mar Roxas naging ‘viral’ sa internet

00 sixth sense

MALIGAYANG Pasko po sa inyong lahat! Nais ko lamang pong i-share sa inyo ang ini-post ko sa aking Facebook two weeks ago. Laking gulat ko po nang maging VIRAL ito. Ang open letter ko pong ito ay personal kong sentimyento. ‘Yun pala daang libo o mahigit pa ay iyon din ang nararamdam. Salamat po sa halos isang milyong nag “LIKE” at nag “SHARE”

Bukas po ang clinic ko ngayon. Sarado na po kami bukas.

December 27 na po uli kami tatangap ng mga pasyente.

God Bless all the people in the world especially the Filipinos!

I love you all!

Dr Elizabeth Oropesa

ELIZABETH OROPESA’s  OPEN LETTER  TO THE PEOPLE CONCERN

Pauna ko na po ang paghingi ng paumanhin sa mga maka-MAR ROXAS. Hindi lang ako mapakali dahil kahit saan ko tingnan ay mali ang kanyang katuwiran. Walang dahilan para pahirapan at hwag tulungan ang mga pobreng nasalanta ng bagyo kahit sino pang pilato ang nakaupo, kalaban man o hindi.

Kung galit sila sa mga ROMUALDEZ, dapat parusahan nila ang mga Romualdezes!

Hindi kailangan ang legalidad bago nila tulungan ang mga tao! Pare- pareho tayong mga PILIPINO! Nakalimutan na ba ni Mar Roxas yan?

Sobrang pumapapel sa presidente na kung tutuusin at kung siya ay may puso at tama kung mag-isip…hindi po ba napakagandang halimbawa kung oramismo ay tumulong sya sa kalabang partido alang-alang sa mga nasalantang kababayan?!!!

Eh ano kung Romualdez yun at AQUINO ang Presidente? Hindi ba Presidente siya ng lahat? Hindi ba sabi niya “BOSS” nya tayo?

Sana tama na ang palusot. Huli na eh! Nasaan ba ang puso mo, sir? I’m sure meron naman, kaya lang mukhang tumigas na at naluto sa ambisyon.

Alam nyo po, walang pulitika sa langit. Dedma rin sa apelyido. Ang importante ay kung paano ka magpatawad, magpakumbaba at tumulong ng buong puso at kaluluwa, hindi dahil sa pera o dahil sa boto.

Nakita nyo naman ang mga pinagdaanan ng LAHAT ng presidenteng inabot ko. Si Apo MARCOS…napakatalino! Pero ano ang nangyari sa talino at dami ng pera nya? Hindi rin nya nadala ng mamatay sya. Marcos baby po ako at sya ang unang presidenteng nakilala ko.

Sumunod ay si RAMOS. Mukha bang masaya? Hindi rin. Si Pres CORY AQUINO na ang sumunod. Ano po ba ang ikinamatay? Old age? Hindi po ba Cancer? Kahit naging presidente, kahit naging hero ang asawang si B. Aquino, hindi parin nakaligtas sa Cancer! Tapos si ERAP. Sikat na artista at mahal ng masa. Kaso pumalpak din. Kulong!

Si Presidente GLORIA MACAPAGAL ARROYO…nakakulong pa rin.

O, anong pruweba pa ba ang kailangan? Hindi ba kahit sino ka, kahit gaano ka ka-powerful…kahit ano pa ang apelyido mo…hindi ka lulusot???

Sana po, kayong mga may kapangyarihang tumulong sa kapwa, bigyan ninyo ito ng tamang pagpapahalaga dahil hindi kailanman natutulog ang DIYOS.

Gamitin ninyo ng tama ang kapangyarihan at perang hawak ninyo para mailigtas ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan din ng pagtulong sa mga nangangailangan.

Tama na po ang gantihan ng gantihan. Maawa na kayo sa amin. Nakakahiya sa DIYOS at nakakahiya sa mga bansamg tumutulong sa atin.

Hindi po ako nagmamalinis o nagmamarunong. Marami din po akong kamalian pero malayong gawin ko ang mga ginagawa ninyong mga kabastusan at kahiya-hiyang pakikitungo sa inyong kapwa tao. Yun lang po.

Sa mga nais mag-appointment sa clinic, maaari pong tumawag sa mga numerong ito: 3853677. 4311147 or +639228155319

Dr. Elizabeth Oropesa Freeman

About hataw tabloid

Check Also

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

TEAM muling magbibigay-tulong sa Child Haus

HARD TALKni Pilar Mateo INIHALAL na ng bagong sibol na grupo ng media practitioners ng …

Andrea Brillantes Kyle Echarri Glenda dela Cruz

Andrea, Kyle, Brilliant Skin Essentials nagpasaya sa Bora

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG Summer event ang isinagawa ng Brilliant Skin Essentials sa Boracay Island …

Diwata Mystica

Diwata tinawag na papansin at laos si Mystica

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan at na-beastmode ang viral pares vendor na si Diwata sa panlalait sa …

Joshua Garcia Anne Curtis

Joshua sa pakikitambal kay Anne, nakatitiyak pagganda ng career   

HATAWANni Ed de Leon MAS mabuti pa ang lagay ngayon ni Joshua Garcia, at least mayroon …

Alden Richards Kathryn Bernardo Kuya Kev Ate Shenen

Alden part na ng family ni Kathryn, present sa despedida

HATAWANni Ed de Leon ABA tingnan ninyo present din si Alden Richards sa despedida para sa kapatid …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *