Sunday , May 19 2024

Malakanyang sinungaling — RNB reporters

Ito ang naging punto at pahayag ng mga mamamahayag ng Radyo ng Bayan na nagsagawa ng kilos-protesta kahapon, sa harap ng Philippine Information Agency (PIA).

Ayon sa grupo, hindi totoo ang pinagsasabi noon ng Malacañang na ginawa nilang lahat ang kanilang magagawa para maiparating at makapaghanda ang mga mamamayan  na tatamaan ng super typhoon Yolanda.

Bilang patunay, Nob. 6, 7 at 8, nasa Tagaytay ang 33 station managers ng Radyo ng Bayan, nasa mamahaling hotel para dumalo sa conference na ipinatawag ni director Tito Cruz, ng Philippine Broadcasting Service.

Anila, handang-handa ang field reporters ng Radyo ng Bayan ng araw na iyon pero hindi sila nakapag-cover bago pa manalasa si Yolanda, kahit na sa kasagsagan nang pagtama nito sa Samar at Leyte, hanggang sa matapos ang delubyo sa  naturang mga lalawigan.

Banggit ng grupo, kaya hindi sila nakakilos ng mga araw na iyon, dahil absent ang lahat ng mga hepe, ng News Division at Public Affairs Division, wala lahat ng mga manager ng radyo maging si Dir. Cruz, lahat sila ay nasa komperensya.

Dahil dito, kasinungalingan ang iniyabang ni Sec. Sonny Coloma na lahat ng frontliner ng government agencies ay kanila nang nai-deploy  bago pa man humagupit si Yolanda sa dahilang hindi mahagilap ang Radyo ng Bayan.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *