PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar, ang pagtatanim ng bakawan sa Las Piñas – Parañaque Critical Habitat Eco-Tourism Area (LPPCHEA) kahapon, kasama ang mahigit 300 katao mula sa Philippine Cost Guard, Philippine National Police, Red Cross, Alliance for Stewardship and Authentic Progress at mga mag-aaral ng Dr. Felimon Aguilar Information Technology ang nagpunta sa 185 hektaryang protected area para sa pagtatanim ng 1,000 seedling ng bakawan dahil naniniwala ang senadora na kailangan itong protektahan bilang panlaban sa pinsala ng typhoon surges.
Related News

