Friday , January 28 2022

2 totoy nalunod sa septic tank

NALUNOD ang dalawang totoy matapos maglaro at lumangoy sa isang septic tank, kamakalawa ng gabi, sa Pasay City.

Nadala pa sa Home Care Clinic sa Merville, Parañaque ang mga biktimang sina Jerome Berja, 12, at Ricky Laurente, 9, ng Barangay Pag-asa 2, pero hindi na umabot ng buhay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong, ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), naganap ang insidente sa isang bakanteng lote na naroon ang septic tank,  na pag-aari ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Merville Road, Pasay City.

Sa pahayag ng testigong si Ryan, 13, ng Sitio Wella, niyaya siya ng dalawang biktima na maglaro at maligo sa septic tank dakong 5:00 ng hapon.

Makalipas ang isang oras, paahon na siya nang makita niya ang dalawa na parang hirap at unti-unting lumulubog.

Muli siyang lumusong upang sagipin ang dalawa pero hindi  niya nagawa  kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Dali-daling nagresponde ang mga kalalakihan at naiahon ang dalawang biktima pero hindi na naisalba ang kanilang buhay. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Leave a Reply