Sunday , May 19 2024

LPG aabot sa P1-K/11kgs

POSIBLENG umabot sa P1,000 ang presyo ng kada 11 kgs. ng liquefied petroleum gas (LPG) na umabot na sa P712.00 kada tangke, matapos ang panibagong pagtataas ng presyo ng mga kompanya ng langis kamakalawa  ng hatinggabi.

Ayon sa pamunuan ng Petron Corporation at Total Philippines,  nagpatupad ang kanilang kompanya ng dagdag na P14.30 kada kilo ng LPG katumbas ng P157.30 sa bawa’t tangke na tumi-timbang ng 11 kilo habang ang Total ay nagdagdag ng P13.99 kada kilo.

Sa pahayag ng Solane, P11/kilo katumbas ng P120 kada tangke na 11 kilos  ang  ipinatupad epektibo rin kamakalawa ng hatinggabi.

Ani Mayi Macuja, ng Petron Corporation, P8 kada kilo muna ang kanilang ipatutupad sa Bohol, Leyte, Samar at Aklan na sinalanta ng bagyong Yolanda pero sa Disyembre 15, ipatutupad nila ang karagdagang P6.30 kada kilo.

Ipinatupad din ng Petron ang P7.99 kada litro ng kanilang auto gas na epektibo dakong 12:01 ng umaga kamakalawa.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *