Thursday , June 4 2026

Kasosyo pinatay Pinoy kulong 15 taon sa Dubai

LABINGLIMANG taon pagkakulong ang hatol na parusa ng  United Arab Emirates Court sa isang Pinoy trader matapos mapatay sa saksak at inihulog pa sa bintana ang kanyang Pinay business partner noong nakaraang taon, buwan ng Agosto.

Hinatulan ng Dubai Court of First Instance ang 49-anyos na Pinoy na itinago sa pangalang Alex, dahil sa pagpatay sa 50-anyos kasosyo na kinilalang alyas Estela.

Inihayag ng Hukom Wajdi Al Menyawi, maibabalik (deport) lamang ang Pinoy kapag nabuno na ang 15-taon  pagkakulong.

Mariing itinanggi ni Alex ang krimen na hindi niya ginagawa.

“I am not guilty. I did not kill the woman … she jumped from my window. I did not push her,” pahayag pa ni Alex.

Base sa rekord ng korte,  nagtungo ang Pinay sa lugar ng suspek para makipag-usap kaugnay sa isang negosyo na kanilang pagso-sosyohan  sa isang Koreano.

Imbes magkasundo sina Alex at Estela, nagtalo ang dalawa hanggang masaksak ng suspek ang babae at itinulak pa umano sa bintana ang biktima.

Ang bangkay ng babae ay natagpuan sa trunk ng kotse na inabandona sa Sharjah Industrial Area 11, noong Agosto 31, makaraan ang anim na araw nang i-report ng kanyang mister ang pagkawala ng ginang.

Isang Emirati police captain ang tumestigo kaugnay sa pagkakaroon ng financial disputes ng dalawa.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …