Saturday , July 27 2024

Natitirang ‘kalawang’ sa Customs (Dep. Comm. Dellosa inalarma)

HINDI pa lubusang makatatahak sa ‘tuwid na daan’ ang Bureau of Customs dahil may ilan pang tiwaling opisyales ang sumasalungat sa reporma at patuloy sa kanilang raket sa Aduana at  nakikipagsabwatan sa mga ismagler.

Ito ang buod ng impormasyong ibinunyag sa taga-media ng isang opisyal ng Customs Employees Union makaraang umusad ang balasahan sa nasabing ahensiya na tinaguriang isa sa mga pinakatiwaling kawanihan ng gobyerno.

Ayon sa nagbunyag na union offficer, inalarma na ng kanilang pamunuan si Deputy Commissioner for Intelligence Jessie Dellosa hinggil sa patuloy na raket ng nalalabing tiwaling opisyales tulad ng palusot ng mga kontrabando, dagdag-bawas sa pagtasa ng bayaring buwis at tahasang pangongotong sa importers.

“Tinukoy na ng aming pamunuan ang ilan sa mga nalalabing kalawang sa BoC tulad ng dalawang dating nakatalaga sa enforcement division. Ang grupo ng dalawang ito ang tinatawag sa Aduana na  ABU-SAGI, at pinaniniwalaang patong nila ang isang Ka Bading na bagong talaga sa intelligence division,” pahayag ng nagbunyag na union officer.

Ipinaliwanag niya ang raket ng grupong ABU SAGI:

“Pumapapel sila sa intelligence monitoring group at ipinaaalerto ang mga parating na kargamento upang makipag-ayos ang broker nito, na malinaw na dating gawi ng pangongotong.”

Ayon pa sa nagbunyag na officer ng employees union, kasabwat umano ng ABU SAGI ang magkapatid na ismagler na kilala sa Aduana sa tawag T-Bros at silang bumabaterya sa corrupt na Customs officials upang ipaalerto ang mga kargamento ng kanilang kalaban sa hanapbuhay.

“Alam sa buong Aduana na ang grupo nina ABU-SAGI ang protector ng T-Bros at sila ang magkasanib na kalawang na sagabal sa repormang nais makamit ng Customs at sila rin ang patuloy na nagbibigay ng masamang imahe sa BoC,” pagtatapos niya.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *