Saturday , May 25 2024

6 ‘volunteers’ timbog sa nakaw na relief goods

ANIM katao ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) na nakatalaga sa “Oplan Salubong” sa Villamor Air Base dahil sa pagnanakaw ng relief goods para sa Yolanda victims  kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Agad dinala ng mga tauhan ng Security Forces Squadron sa Pasay city police ang mga suspek na sina Remar Saringan, 40; Reynaldo Fontanilla, 56; Larcy Fontanilla, 36; Percival Nuez, 47; Adelaida Esteves, 55; at Zaldy Nuez, 52; pawang mga residente ng Sycamor St., Kingsville Hills, Antipolo City,  habang patakas  dala ang relief goods na nagkakahalaga ng mahigit P800,000.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkunwaring mga volunteer ang mga suspek na tutulong sa pamamahagi ng pagkain sa mga evacuees habang abala naman sina Saringan, Nuez at Esteves sa paglalagay ng relief goods sa plastic bag na kanilang inilalagay sa isang lugar.

Dumating ang isang van mula MIAA motorpool na minamaneho ni Fontanilla dakong 9:00 ng gabi at agad isinakay ang mga relief goods pero lingid sa kanilang kaalaman, tinitiktikan na sila ni T/Sgt Bobby Abner Dela Cruz kaya’t bago pa sila makaalis, nasakote na sila sa gate ng Villamor Air Base.

Dinala ang mga suspek sa Pasay City General Hospital upang ipasuri pero nakatakas si Zaldy Nuez.

Sasampahan ng kasong pagnanakaw ng Regional Director ng Department of Social Welfare and Development, National Capital Region (DSWD-NCR) ang mga suspek. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *