Saturday , July 27 2024

Daniel at Kathryn, dapat nga bang saluduhan sa pabibigay-tulong sa mga biktima ng Yolanda?

BILIB at saludo kami kung sa bilib at saludo sa pag-ayuda ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang pagtulong din sa mga biktima ng Yolanda.  Maganda naman kasi ang kanilang layunin at intensiyon, lalo’t ang ina ni Daniel na si Karla Estrada hails from Palo, also one of the worst hit towns in the province of Leyte.

Sang-ayon kami sa pangangalap ng mga donasyon ni Daniel mula sa kanyang mga ineendosong patalastas. Undeniably, among the young male celebrities, this showbiz scion probably has the most number of commercial endorsements:  from instant coffee to fast food chain to bread spread to what have you.

Hindi man kasi kalampagin ni Daniel ang mga kompanyang ‘yon, on their own ay tiyak namang bukas-palad ang mga ito para ipaabot ang kanilang mga tulong. After all, mga pagkain ito na kailangang-kailangan ng ating mga kababayang kumakalam ang mga sikmura.

But this we cannot take.

Must Daniel and Kathryn tap the help of their fans? Ano ‘yon, wala na bang nanggaling sa mga mismong bulsa ng mga bagets na ito sa sobra-sobra ang kinikita, at kinailangan pa nilang manawagan sa kanilang mga tagahanga?

Akala namin—base na rin sa naiulat noon—na wala nang ginawa si Karla kundi magbilang ng perang kinikita ng kanyang anak, yet ipinanghingi lang pala ni Daniel ang mga ido-donate nito sa mga biktima ng sakuna?

Ano lang ba ang kapasidad ng fans ng dalawang bagets? Most, if not all of them are mass base. Baka nga sa antas ng kanilang pamumuhay, they also deserve to get relief goods themselves, tapos, sila pa ang hiningan ng loveteam na ito, at tumalima naman sa panawagan ng kanilang mga idolo?

So, ang mga bayani tuloy sa paningin ng mga biktima ay ang mga artistang tulad nila? Gayong ang mga totoo namang nagpakahirap ay nagkataon lang na nasa mga lugar na hindi pinadapa ni Yolanda, pero nangangailangan din?

Acts of charity at the expense of their fans? Mismo!

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *