Wednesday , January 26 2022

Babae, 100+ bahay naabo sa Kyusi

ISANG babae ang namatay at dalawa pa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa mahigit 100 bahay sa Baesa, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni  Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshal, ang biktimang si Angelita Omedes, 57, na pinaniniwalaan sa kanilang bahay nagsimula ang sunog dakong 12:58 ng umaga.

Ayon kay Fernandez , inamin ng  pamilya  Omedes na maaaring dahilan sa napabayaang niluluto ang pinagmulan ng sunog.

Hinihinala rin may posibilidad na dahilan sa kabit-kabit na mga kasangkapang dekoryenteng gamit ng mga nangungupahan sa lugar ang pinagmulan ng sunog.

Kinilala ang dalawang sugatan na sina Jose Capri at Maurillo Canseco,  na  isinugod sa pagamutan. Umabot ang sunog sa Task Force Bravo na naapula dakong 4:55 ng umaga at tinatayang umabot sa  P3 milyon halaga ng ari-arian ang naabo at tinatayang 450 pamilya ang nawalan ng tirahan.

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant …

012122 Hataw Frontpage

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

ni ROSE NOVENARIO                WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda …

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab …

dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio …

Bulacan Police PNP

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam …

Leave a Reply