Wednesday , June 24 2026

Ibang professionals missing sa BIR’s top taxpayers list

HABANG nasa spotlight ang mga negosyante, celebrities at executives sa top taxpayers list ng Bureau of Internal Revenue, wala sa listahan ang iba pang mga professional.

Sa latest Tax Watch ad, tanong ng BIR “Which industries are under-represented in the BIR 500?”

Ipinunto ng BIR na wala sa listahan ang fashion designers, dermatologists/ beauty consultants, car dealer executives, real estate brokers at fishing industry executives.

Sa kabilang dako, tanging anim na pawnshop owners ang nasa lista-han at ito ay pawang mula sa Lhuillier family, na sina Philippe J. Lhuillier, chairman ng PJ Lhuillier na may-ari ng Cebuana Lhuillier, nagbayad ng P29.56 milyon ng buwis noong 2012, habang ang company president and CEO na si Jean Henri D. Lhuillier ay nagbayad naman ng P23.83 milyon sa income taxes.

Ipinunto rin ng BIR, mula sa 135 brokerage firms sa bansa, tanging 11 executives mula sa 5 brokerage firms ang nakapasok sa top taxpayer list.

Si UBS Philippine ma-naging director Lauro Baja III ay nagbayad ng P26.27 milyon sa income taxes.

Si Deutsche Regis Partners managing director Michael Macale ay nagba-yad ng P20.61 milyon sa income taxes, habang si Rafael Garchitorena, ma-naging director and stra-tegist ng Deutsche Regis Partners Inc., ay nagba-yad ng P12.33 milyon. Habang sina Giovanni Dela Rosa at Elena Lopez, kapwa ng Deutsche Regis, ay nagbayad ng P12.24 mil-yon at P6.4 milyon.

Ilan namang executives mula sa COL Financial Group ay top taxpayers: president and CEO Conrado Bate (P19.31 milyon); CFO Catherine Ong (P14.5 milyon); corporate secretary, SVP and head of legal Caesar A. Guerzon (P10.99 milyon); at vice president for sales Juan G. Barredo (P9.64 milyon).

Si ATR Kim Eng Securities’ Godofredo Abdulah Aquino ay nagbayad ng P6.88 milyon sa income taxes, habang si Papa Securities executive vice president Homer Perez ay nagbayad ng P6.47 mil-yon sa income taxes.

Mula 33 licensed life insurance companies, 12 top taxpayer executives ang mula sa walong kom-panya, kabilang ang Insular Life, Philam Life, Sun Life, AXA Philippines, Manulife, BPI/ MS Insurance Corp., Pru Life UK at AIU Insurance Philippines.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …