Wednesday , January 19 2022

P200M PDAF ni Trillanes itutulong sa educ, health

NAGDESISYON na si Senador Antonio ”Sonny” F. Trillanes IV na ilipat ang kanyang P200 milyong alokasyon upang ilaan sa scholarship programs sa iba’t- ibang pampublikong kolehiyo at unibersidad, tulong medikal sa mga pampublikong ospital at konstruksyon ng mga kwartel/barracks para sa mga sundalo at pulis.

Ayon kay Trillanes, ang kanyang P200 milyong PDAF ay ipamamahagi sa mga sumusunod na ahensya: Department of Health (pagpapa-ospital at tulong medikal) –P102,450,000; Commission on Higher Education (scholarship sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad) – P36,200,000; Technical Education and Skills Development Authority – (Training for Work Scholarship Program)  – P4,000,000; Department of National Defense (konstruksyon at rehabilitasyon ng mga kwartel/barracks sa iba’t ibang service commands ng AFP) –P49,940,000;

at Philippine National Police (konstruksyon at rehabilitasyon ng mga kwartel/barracks) – P7,400,000.

Dagdag pa ni Trillanes, “Tulad ng ginawa ng iba na tuluyan nang tanggalin ang P200 milyon mula sa badyet ngunit naisip ko na wala itong maidudulot bukod sa ‘pagpapa-pogi’. Higit pa rito, nagpapakita ito ng kawalan ng malasakit at paki-alam sa mga pangangailangan ng mahihirap at marginal na sektor.”

“Maaalalang ang galit ng publiko ay nakatuon sa mga nagnakaw ng pondo, subalit lagi naman akong bukas sa publiko kung saan ko inilalaan ang aking mga nakaraang PDAF,” aniya pa.

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
P.3-M ‘OMADS’ NASAMSAM

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa ikinasang anti-illegal drug …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
5 TULAK, 41 SUGAROL, 2 PUGANTE TIMBOG

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng Bulacan PNP upang mapigil ang …

Huli sa aktong nagtutupada
7 KATAO TIMBOG SA TANAY, RIZAL

PITO katao ang nadakip nang mahuli sa aktong nagtutupada, malinaw na paglabag sa anti-gambling operation, …

dead gun

Sympathizer ni Bayali
LALAKI ‘NANLABAN’ TODAS SA SAGUPAAN

PATAY ang isang lalaking sympathizer ni Abu Sayyaf Group sub-leader Pasil Bayali, matapos makipagbarilan laban …

money Covid-19 vaccine

Saan napunta?
P70.92-B INUTANG NG PH PAMBILI NG BAKUNA

ni ROSE NOVENARIO UMABOT sa P70,92 bilyon ang inutang ng administrasyong Duterte mula sa apat …

Leave a Reply