Thursday , April 25 2024

PNoy is “Boy Sisi”

NANISI na naman ang ating mahal na Pangulong Noynoy Aquino. Ang tawag sa kanya ngayon ng netizens ay “Boy Sisi”.

Sinisisi niya ang mga opisyales ng Tacloban City sa ­grabeng pinsalang inabot ng lungsod sa nagdaang super bagyong Yolanda. Mananagot daw ang mga ito!

Halos na-wash out kasi ang mga kabahayan lalo na ang mga gawa sa light materials sa nabanggit na lungsod. Nagkalat ang mga bangkay sa kalsada, ang iba ay inanod ng baha sa dagat.

Ang Tacloban City ay na-sentro ng bagyong may ­dalang napakalakas na hanging 315 kilometers per hour kung saan grabe ang hagupit ng storm surge nito. Nagliliparan ang mga yero, kahoy, mga basag na salamin mula sa mga gusali na dahilan ng pagkasawi ng marami nating kababayan.

Napuwersa kasi ang maraming residente na lumabas ng kanilang tahanan dahil natutuklap ang bubong ng kanilang bahay.

Kaya walang dapat sisihin dito. Ngitngit ito ng kalikasan na Diyos lang ang tanging makapipigil.

Kaya kaysa manisi itong Boy Sisi este si P-Noy, ­makabubuting padaluyan niya na ng kanyang multi bilyon pisong kontrobersiyal na DAP (Disbursement Acceleration Program) o presidential’s fund para mapakain ang mga nagugutom ng evacuees at maibangon ang nalumpong Tacloban City. That’s it!

Sira-sirang kalsada

sa Balagtas, Bulacan

– Parating ko lang po ang aking kahilingan dito sa mga kinauukulan sa Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan lalo na po kay Brgy. Chairman-elect Jojo Cruz at sa mga bagong halal na kagawad itong lubak-lubak na kalsada na ­nasasakupan niya.

Araw-araw ay perhuwisyo ang dulot nitong sira-­sirang daan na ito sa Brgy. Borol 1st sa mga motorista na ­nagdaraan. Sana po ay mabigyan ng prayoridad ang suliraning ito ng mga motorista at mga ka-barangay. – 09322751…

Lilinawin natin: Ang mga bagong halal na barangay ­officials ngayon ay sa Disyembre pa ang simula ng ­kanilang panunungkulan. At kung malaki ang sira ng ­kalsada, yan ay hindi kakayanin ng pondo ng barangay. Ang kailangan dyan ay pork barrel ng kongresista o humiling ng tulong sa local govt. ng Balagtas para sila ang magpaayos. Ang papel dito ng barangay officials ay gumawa ng request letter para sa kongresista o alkalde. That’s it, folks!

Drug pushers

sa Brgy. Paloco 4 (Imus, Cavite)

– Panawagan lang po kay Mayor Manny Maliksi ng Imus, Cavite at sa taga-PDEA. Paki-surveillance at paki-huli ­naman po ang maraming tulak at adik sa shabu dito sa Brgy. Palico 4, boundary ng Mambong 5. Kahit kabataan nagiging ­runner ng shabu dito. Marami ng sinisirang buhay itong mga tulak na ito. Don’t publish my number. – Concerned citizen ng Brgy. Palico 4

O, Mayor Manny, Sir!, batid nating galit ka sa droga. Paki-walis lang po ng mga basura dyan sa Brgy. Palico 4. Aksyon!

Truck-truck

ng troso

sa Misamis Orr.

– Report ko po ang truck-truck na troso dito sa Misamis Orriental. Kung gusto nyo pong makita itong report ko, ­pumunta kayo ng Cagayan de Oro tapos tahakin nyo ang daan papuntang Misamis Orriental lalo na pag Sunday, ­makikita nyo ang truck-truck na mga troso. Grabe! Kaya nakakalbo ang mga gubat dito ay dahil sa mga illegal ­logging na ito. – Concerned citizen ng Mindanao

Paging DENR-Misamis Orriental, bulag kayo pag hindi nyo na-monitor ang report na ito. O, baka naman bahagi kayo sa katarantaduhang ito? DENR Sec. Ramon Paje, ­gising!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Regine Velasquez Julie Anne San Jose Darren Espanto JK Labajo

Julie Anne nag-sorry kay Regine

MA at PAni Rommel Placente ISA sana si Julie Anne San Jose sa guest sa concert ni Regine …

Ysabelle Palabrica

Kaba ni Tootsie binigyan ng bagong tunog ni Ysabelle

HARD TALKni Pilar Mateo SEGUE naman tayo sa isa pang masasabing aalagaan din nina Ladine …

Misteryo ng newbie singer na si Yza hinubog nina Vehnee at Ladine

HARD TALKni Pilar Mateo BACK-TO-BACK! Ang paglulunsad sa aspiring talents na ginigiya ng henyong kompositor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *