Wednesday , April 17 2024

Pamilya timbog sa drug bust

ISANG pamilya ang nabistong nagkakalakal ng ilegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig City police kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Station Anti-illegal Drug Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Taguig police ang mga suspek na sina Alvin Villa Agustin, 23; ang kinakasamang si Jhonelyn Magpatag, 22, at  ang ina ni Alvin na si Emilyn Agustin, 53, nang tangkain harangin ang mga pulis na darakip sa dalawa.

Sa ulat nina SPO2 Ernesto Sanchez at PO3 Eric Villa ng SAID-SOTG, isang linggong isinagawa ang pagmamanman sa umano’y bentahan ng ilegal na droga sa mini park, Brgy. Fort Bonifacio  tuwing 5:00 ng hapon.

Hanggang isagawa nina PO3 Renato Ibanez ang drug bust.

Nang abutin ng mag-live-in ang P2,000 markadong salapi, kapalit ng dalawang sachet ng shabu, agad lumabas ang mga operatiba ng pulisya ngunit agad silang hinarang ng ina ni Alvin.

Dahil dito, dinakip rin ni PO1 Tina Dizon ang matanda hanggang makompiska pa sa anak at manugang na hilaw ang anim pang sachet ng hinihinalang shabu at isang 12-gauge improvised shotgun.

Bukod sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act, kakasuhan din si Agustin ng illegal possession of firearm.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

041724 Hataw Frontpage

Sa Digong-China gentlemen’s agreement  
‘CAUCUS’ SAGOT NI TESDAMAN
Sa hiling na imbestigasyon ni Hontiveros

ni NIÑO ACLAN WALA pang katiyakan dahil ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva kanila …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Alfonso Brandy Feat

Alfie Alley Year 2 – The Ultimate Celebration of Street Culture, Art, Music and Drinks Returns with Alfonso Brandy

Manila, Philippines – With the echoes of last year’s resounding success still reverberating, Alfonso Brandy …

Arrest Posas Handcuff

Criminal gang member, arestado sa entrapment

ARESTADO ang isang miyembro ng ‘Dacallos Criminal’ gang na sinabing sangkot sa ilegal na pagbebenta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *