Wednesday , May 25 2022

Koreanong ukay-ukay trader dedo sa kustomer

PATAY ang isang Korean national matapos barilin ng nakasagutang kostumer nang hindi magkasundo sa presyo ng ibenibentang sapatos sa puwesto ng ukay-ukay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si  Sungmo Hong, 4, ng Phase 3, Brgy. 176 Bagong Silang sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang hindi nakilalang suspek na mabilis tumakas.

Sa ulat ng pulisya,   6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng puwesto ng ukay-ukay ng biktima sa lugar.

Namimili  ang suspek ng mga paninda nang makursunadahan ang isang sapatos at itinanong kung magkano ang presyo.

Pilit tumatawad ang suspek pero hindi pumayag ang Koreano hanggang magkainitan dahilan upang umalis ang suspek.

Ilang sandali  ang nakalipas, bumalik ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima. (rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

cal 38 revolver gun

Matapang kapag nakainom
SENGLOT TIKLO SA BOGA

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtatapang-tapangan matapos ireklamo ng pagbabanta at pagpapaputok ng …

arrest, posas, fingerprints

Tandem na HVT ng ‘Gapo nasakote P.4-M shabu nasamsam

ARESTADO ang dalawang nakatalang high value target (HVT), nakompiskahan ng higit sa P400,000 halaga ng …

dead prison

Umawat sa pagwawala tinaga
KAGAWAD SUGATAN, SA UTOL NA INUTAS NG REVOLVER

SUGATAN ang isang barangay kagawad matapos tagain ng nakababatang kapatid na kalaunan ay kaniyang nabaril …

Mercraft 2 RORO fire Real Quezon

Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO

PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off …

Arrest Posas Handcuff

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong …

Leave a Reply