Monday , April 22 2024

Life vs 10 kidnaper pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY  ng Korte Suprema ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo sa 10 kidnaper sa kasong kidnapping for ransom matapos dukutin ang isang negosyanteng Chinese noong 1998.

Base sa desisyon ng Supreme Court en banc,  sina Halil Gambao, Eddie Karim, Edwin Dukilman, Tony Abao, Raul Udal, Theng Dilangalen, Jaman Macalinbol, Monette Ronas at Nora Evad ay hinatulan ng reclusion perpetua at hindi rin binigyan ng pagkakataon na makahingi ng parole sa parusang ipinataw sa kanila.

Ang ika-10 akusado na si Thian Perpenian ay hinatulan lamang ng anim taon at anim na buwan bilang accomplice sa krimen.

Kasabay nito, inatasan ng Supreme Court ang Correctional Institute for Women na agad palayain  si Perpenian matapos mapagsilbihan ang sentensya.

Sa rekord ng husgado, dakong 7:30 p.m. noong Agosto 12, 1998 nang dukutin ng mga akusado sa 118 FB Harrison, Pasay City, si Lucia Chan y Lee at para mapalaya ay hiningan ng P400,000 ang pamilya ng biktima.

Nagkasundo ang pamilya ni Chan at mga akusado kaugnay sa delivery ng ransom sa sangay ng Chowking food chain sa Buendia Avenue na kinaarestohan sa mga akusado ng grupo nina Inspectors Narciso Ouano, Jr., at  Cesar Mancao na noon ay nakatalaga sa Pasay City.

Bukod sa parusang pagkabilanggo, ang mga akusado ay inatasan din ng SC na magbayad  ng P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 bilang moral damages at P100,000 bilang exemplary damages.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *