Saturday , July 27 2024

Drama anthology ni Sarah, ‘di pa maituloy dahil sa The Voice

KASABAY ng pagdiriwang niya ng 10th  year anniversary sa showbiz, tumanggap din si Sarah  Geronimo ng Best Female Recording Artist sa  katatapos na 5th  PMPC  Star  Awards  for  Television. As  part of  her  celebration ay magkakaroon  naman siya ng concert sa Araneta Coliseum at  Mall of Asia.

Kung ilang beses na rin ngang nakatanggap ng mga recognition and awards ang Pop Princess when it comes to her singing career pero marami pa rin ang gusting makitang umaarte siya.

Ano na nga ba ang nangyari sa drama anthology na dapat ay kapalit ng nawala niyang show,  ang Sarah  G  Live!? Sagot  ng Pop Princess, ”Mayroon po talaga dapat pero dumating kasi ang ‘The Voice’. So, nakiusap po muna ako sa ABS at kay boss Vic na gusto ko munang mag-concentrate as mentor/coach.”

Malamang daw na late next year pa matuloy ang drama anthology na ito dahil sa pagkakaroon kaagad ng Season 2 ng The Voice.
Mildred A. Bacud

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *