Monday , April 22 2024

You’re My Home nina Chard at Dawn, inspired sa Tanging Yaman

YOU’RE My Home ang bagong titulo ng serye nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na mapapanood sa 2014.

Aminado sina Chard at Dawn na masaya sila sa balik-tambalan nilang You’re My Home at mag-asawa ang papel nila at may mga anak na sila.

Inspired sa pelikulang Tanging Yaman ni Gloria Romero ang kuwento ng You’re My Home na ipakikita ang masayang pamilya na may mga conflict sa mga anak at sa mismong mag-asawa. At ang gaganap na lola ay si Gina Pareno.

Samantala, masaya raw sina Goma at Dawn sa pagbabalik-tambalan nilang dalawa, “masaya kasi heto, pagpasok ng 2014 ay may bagong mapapanood ang tao kasi nag-expect sila na pagkatapos ng ‘Walang Hanggan’  ay may kasunod kaagad, eh, it took a while bago ulit nagkaroon,” sabi ng aktor na sinundan naman ng aktres ng, “naging busy kasi kami sa election.”

At sa tanong namin kung tuloy pa ang pelikulang pagsasamahan nila, “ay mayroon pa,” duetong sabi ng magka-loveteam.

“As a matter of fact, dalawa pa, actually tatlo pa, simultaneously,” dagdag ng aktres, “on-going ‘yung ginagawa namin ni Dawn na ‘Sugo’ (movie) for Iglesia Ni Cristo, eh, malaking pelikula ‘yun. So, isa-isa muna,” say naman ng aktor.

Sa 2014 pa pala mapapanood ang You’re My Home, bakit ang aga naman ng promo nito?

“Eh, kasi malapit ng dumating ang Pasko, by then na dumating ang Christmas season, makakalimutan na ng tao,” pangangatwiran ni Richard.

“At saka siyempre gusto na rin naming i-announce sa fans na matagal ng naghihintay just to give them an idea anong klaseng teleseryeng magkakaroon kami,” hirit naman ni Dawn.

Ano nga ba ang sekreto ng Richard at Dawn loveteam bakit kinakikiligan pa rin ng lahat at talagang inaabangan pa rin maski na alam na may mga pamilya na sila?

“Perhaps it’s our chemistry and isa lang naman ang lamang namin sa mga loveteam ngayon, may history kami. Kaya siguro mas madali naming naipalalabas ‘yung chemistry na ‘yun,” mabilis na sabi ng aktres habang nakangiti ang aktor.

Ang number one fan ng loveteam nina Dawn at Richard ay si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na matagal na raw gustong umpisahan ang serye, “pagkagising ko nga kaninang umaga, sinabi ko, ‘honey, may gagawin kaming serye ni Dawn.’” nakangiting kuwento ni Goma.

Alam din daw ni Davao Representative Anton Lagdameo na may gagawing serye ang asawa, “matagal na niyang alam, mga tatlo pa nga ito na sabay-sabay, it just a matter of time kung kailan,” kuwento rin ng aktres.

At ang limitasyon ng dalawa sa kanilang taping, “we have our cut-off time, in terms of hours, days. Weekends I’m not allowed to work only weekdays,” say ni Dawn.

Katwiran ng aktor, “the reason why we have cut-off time kasi aside from this (showbiz), mayroon naman pa rin kaming ginagawang iba. If we have to work the following day, hindi naman kami puwedeng matapos ng alas kuwatro ng umaga kasi the following day we have to start working like eight (8) or nine (9) ng umaga, so we also need time to rest.”

At ang sikreto rin ng magandang samahan nila bilang magkaibigan, “I guess, Richard and I were really friends, so parang maski iwan mo lang kaming dalawa (sa tabi), ano na kaming dalawa, entertained, nagtatawanan lang kami parati,” say ng aktres.

“Kami ni Dawn, kapag may scenes kaming gagawin together, pinag-uusapan talaga naming dalawa,” say naman ni Goma.

“We don’t need to have focus group, mga ganyan, kasi para sa amin, it comes naturally,” sundot pa ni Dawn.
Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *