Wednesday , January 26 2022

MMK at Wansapanataym, wagi sa international award-giving bodies (Espesyal na regalo sa ika-60 anibersaryo ng ABS-CBN…)

BINABATI natin ang mga taong nagpapakahirap para makapaghatid ng magagandang panoorin tuwing Sabado sa atin, ang bumubuo ng Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym.

Kapwa kasi kinilala ang galing at husay ng mga de-kalibreng episode ng dalawang panoorin mula sa dalawang sikat na international award-giving bodies. Ang mga episode na iyon ay sumasalamin sa natatanging husay ng mga Filipino sa larangan ng telebisyon.

Ang award ay kasabay ng engrandeng pagdiriwang ng 60 taon ng telebisyon sa bansa kaya naman napakagandang regalo nito. Nakasungkit ng nominasyon ang MMK sa International Emmy Awards 2013 bilang Best Drama Series. Ito ang natatanging programang nominado mula sa Pilipinas.

Inilahok ng ABS-CBN sa International Emmy Awards 2013 ang  Manikaepisode na pinagbidahan nina Jane Oineza at Angel Aquino at ang kuwento ng Pulang Laso nina Carlo Aquino at Joem Bascon. Ang dalawang MMKentries ay kapwa idinerehe ni Nuel Naval.

Hinirang naman ng Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU) Prizes 2013bilang finalist sa Television Special Jury Prizes-Children’s category ang ansapanataym episode na Number One Father and Son na tinampukan ng Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla at Epy Quizon. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Sponky Villarin.

Gaganapin ang 41st International Emmy Awards Gala sa Nobyembre 25 sa  Hilton New York Hotel; samantalang ang finals ng ABU Prizes 2013 ay sa Oktubre 28 sa Hanoi, Vietnam.

Kaya patuloy na tutukan tuwing Sabado ng gabi ang longest-running fantasy-drama anthology na  kasunod ang longest-running drama anthology sa Asya naMaalaala Mo Kaya (MMK) sa Yes Weekend ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Andrea Brillantes Seth Fedelin Francine Diaz

Papa O ibinuking daks na alaga ni Seth

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang YouTube video kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, sinabi ni Ogie Diaz na nakarating …

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Leave a Reply