Thursday , June 4 2026

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

101413_FRONT
INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura.

“In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such probe, then we’ll gladly undertake yet another important assignment,” pahayag ni De Lima.

Gayonman, idiniin niyang mas nanaisin niyang maghintay sa hudikatura sa susunod nilang hakbang.

“At this point, I would not want to preempt any move or initiative that the leadership of the judiciary, a separate and co-equal branch, would deem proper to undertake relative to those allegations of a ‘Napoles’ in the judiciary,” aniya.

Nitong Huwebes, inihayag ni Court Administrator Jose Midas Marquez, iniimbestigahan na niya nang tahimik ang sinasabing korupsyon sa hudikatura na isinasagawa ni “Ma’am Arlene.”

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …