Friday , May 27 2022

Miss World Megan Young ipaparada ngayon

Dumating  kahapon, Huwebes ng hapon ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona bilang Miss World 2013, Megan Young, na agad bumiyahe sa London matapos koronahan sa Bali, Indonesia nitong Setyembre 28.

Pasado alas-4:00 kahapon nang dumating si Young lulan ng Cathay Pacific CX 919 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinalubong si Young ng mga kawani ng media, nat’l director ng Ms. World Philippines na si Cory Quirino, ilang kaibigan at ibang kinatawan ng Miss World Philippines.

Mula airport, diretso ang bagong Miss World sa Solaire Resort Hotel para sa inihandang press conference.

Matapos nito, pumunta ng Mall of Asia Arena (MOA) si Megan para sa ceremonial toss ng Houston Rockets at Indiana Pacers na pre-season game ng National Basketball Association (NBA). Bumalik siya sa Solaire para sa victory dinner party.

Ngayong umaga, nakatakda ang courtesy call  kay Pangulong Noynoy Aquino sa Malakanyang ni Megan at sa hapon naka-iskedyul ang victory parade ng kauna-unahang Pinay na nakakuha ng korona.

Samantala, nakalatag na ang parada para sa selebrasyon ng pagkapanalo ng Pinay beauty queen.

Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na mag-uumpisa ang parada sa kanto ng Buendia at Makati Avenue sa Makati City alas-2:00 ng hapon.

Bukod sa float ni Megan, may iba pang kasunod na float sa parada sakay ang kanyang princess court. Kasama rin ang apat na banda kabilang ang banda ng Philippine Marines at MMDA.

(GMG)

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …

Leave a Reply