Thursday , June 4 2026

Kung Fu Divas, nakaka-P60-M na

MASAYA si Ms Ai Ai de las Alas dahil patuloy na humahataw sa takilya ang Kung Fu Divas nila ni Marian Rivera sa mga sinehan at base sa pagtatanong namin sa taga-Star Cinema ay nakaka-P60-M na raw ang pelikula simula nang ipalabas ito.

“Talaga?  Hindi ko alam, pero sabi nga malakas daw,” say naman ng komedyanang aktres nang dalawin namin sa taping ng Toda Max.

Tinanong naming kung bawi na ba ang puhunan ng Kung Fu Divas sa P60-M, “kung naka-P60 na, bawi na, kasi P60-M ang gastos doon,” say sa amin ni Ms A.

Samantala, tinanong namin ng diretso si Ai Ai kung totoong mawawala na ang Toda Max base na rin sa naglabasang balita dahil ang ipapalit daw ay ang sitcom nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz.

“Sabi naman nina direk Malu (Sevilla), hindi raw, ewan ko sa kanila,” kaswal na sabi ng comedy queen.

Tinanong din namin si direk Malu, “everytime naman na may bagong show, sabi tatanggalin ang ‘Toda Max’, pero heto, nandito pa rin kami. Sanay na kami sa mga ganyan at saka noong kaka-start pa lang ng ‘Toda Max’, sinabi hindi magtatagal, pero sa awa ng Diyos, heto pa rin kami,” say sa amin.

Maganda raw ang ratings ng Toda Max at higit sa lahat, maganda rin ang pasok ng commercial kaya wala raw nakikitang dahilan para mawala  ito.

Sa kabilang banda, mukhang masosolo ni Ai Ai ang araw ng Sabado dahil una siyang mapapanood sa Wansapanataym simula sa Sabado (Oktubre 12) na may titulong  Moomoo Knows Best kasama ang child wonder na si Izzy Canillo.

Sabi na ni Ms A, “first time kong magbida sa ‘Wansapanataym’ kaya excited ako.”

Gagampanan ng komedyana ang isang espirististang si Joanna, “swak na swak sa Halloween ang kuwento ni Joanna. Matututo at mag-e-enjoy ang TV viewers sa adventures niya, lalo na kapag nagkatotoo ‘yung mga kasinungalingan niya at nagsimula na siyang makakita ng mga multo tulad ni Kwatzy (Izzy),” kuwento nito.

Makakasama rin nina Ai Ai at Izzy sina Cherry Pie Picache, Marco Gumabao, Jojit Lorenzo, at Michelle Vito mula sa panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …