Friday , January 28 2022

1 patay, 12 sugatan sa riot Bilibid (Nagkadayaan sa sugal) PATAY ang isang inmate habang l

PATAY ang isang inmate habang labingdalawa pa ang nasugatan sa naganap na riot sa dalawang gang dahil sa cara y cruz sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din sa loob ng kulungan ang presong si Sonny Sarsuelo, 48-anyos , isang  murder convict, sanhi ng tumagos na bala ng sumpak sa kanyang dibdib.

Nilalapatan ng lunas sa NBP Hospital ang tatlong preso na malubhang nasugatan na sina Ramil Joseph, Rolando Astromeniada at John Escovar na may mga kasong droga at murder sanhi ng mga  tama ng bala ng sumpak sa iba’t ibang parte ng katawan at ang siyam pa ay nilalapatan din ng lunas.

Sa isinumiteng report ni Superintendent Venancio Tesoro, hepe ng NBP, dakong 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Building 3 ng Maximum Security Compound.

Ayon kay Tesoro, nagkainitan ang grupong Sputnik at Happy Go Lucky nang dahil sa cara y cruz nang sumiklab ang ma-initang pagtatalo dahil sa umano’y dayaan.

Sa ulat ni Tesoro, ang na-patay na preso ay umawat lang sa away ng dalawang gang at siya ang minalas na napuruhan nang mamaril ang isang hindi pa nakikilalang preso.

Ani Tesoro, magkaalyadong grupo ang dalawang gang kaya sila ang pinagsama sa isang dormitory sa maximum security compound.

Apat sa nasugatan ay kinilalang sina Rolando Astromeniada, 31, HGL, may kasong Viol. of Sec. 5, RA 9165 at nahatulan ng life imprisonment, Ramil Joseph, 40, SSS, viol. of PD 1866, nasentensiyahan ng apat hanggang 11 taon, Michael Escobar, 27, SSS, robbery violence against person, 6 taon pagkabilanggo at Richard Lumibao, 33, SSS, murder at nasentensiya-han ng reclusion perpetua.

Dahil sa naganap na riot ay pansamantalang sinuspinde ang pagdalaw sa mga bilanggo habang nagsasagawa pa ng im-bestigasyon.

Narekober ng mga jail guard ang sumpak o improvised shotgun na ginamit sa riot at iba’t ibang uri ng patalim sa loob ng maximum security compound na pinagyarihan ng riot.

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad kung paano nakapasok sa loob ng bilibid ang ginamit na sumpak at mga patalim na nakuha sa loob ng nasabing piitan.                   (JAJA GARCIA/

MANNY ALCALA)

About hataw tabloid

Check Also

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Leave a Reply