Friday , May 24 2024

John, pakakasalan na si Isabel sa 2014 (Pagpo-propose sa dalaga, pinag-iisipan na!)

KUNG hindi magbabago ang plano ay sa taong 2014 na magpapakasal si John Prats sa kasalukuyang girlfriend niyang si Isabel Oli.

“I think she’s (Isabel Oli) the one na talaga,” say ng aktor nang maka-tsikahan naming kahapon sa I Dare You presscon.

Ayon kay Pratty (tawag kay John), ay si Isabel na ang huling babae sa buhay niya dahil pinag-iisipan niya kung kailan at paano siya magpo-propose.

“Pinag-isipan ko na at kung paano. At saka ramdam ko na siya na talaga, bukod pa sa pine-pressure ako ng daddy ko, sabi nga niya, ‘O, John ano?’ Kasi gusto na nilang magka-apo.

“Ayoko namang mag-anak ng hindi kasal, gusto ko tamang proseso, kasal muna bago anak,” kuwento ni John.

At dahil magkaiba ng relihiyon sina John at Isabel ay dalawang beses daw sila ikakasal.

“Eh, kasi Christian si Isabel, Katoliko naman kami, so dalawang beses kaming ikakasal, pero isang araw lang gagawin para hindi magastos. Pag-uusapan lang kung saan at anong oras.

“Gusto kasi ni Isabel garden wedding, so ganoon. At saka simpleng kasalan lang daw, eh, ‘di mas okay, ‘di ba?” masayang sabi ni Pratty.

Ano ba ang nagustuhan ng aktor sa dalaga?

“Sobrang simple, hindi mahilig kumain sa mamahalin, niyaya ko minsan sa The Heat o sa hotel, ayaw, mas type niya sa simple lang. Ayaw din ng mamahaling bags.  Koboy pa,” kuwento nito.

Isa lang ang hindi alam gawin ni Isabel sa bahay, ang magluto kaya naman payo ng aktor ay, “kaya nga plano niyang mag-enrol sa culinary para matuto, siyempre, gusto ko rin namang makatikim ng luto niya.”

Samantala, sa I Dare You ay inamin ni John na may phobia siya sa heights kaya sobrang kaba at naiiyak siya habang nakasakay sa chopper na ang piloto ay si Jewel Mische bilang challenge sa kanila.

“Kasi roon ko lang naman nakilala si Jewel, doon lang kami nag-usap, tapos heto, ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa kanya? Parang, ano ba ‘yun?” kuwento sa amin ng binata.

Kaya abangan daw ang iba pang I Dare You challenges na ginawa ng bawat hosts na sina Robi Domingo, Deniesse Aguilar, Melai Cantiveros na mapapanood na sa Sabado, Oktubre 12, 9:00 p.m..

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …

Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED Rni Rommel Gonzales PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor pa-victim ang drama, matapos magtago super pa-interview na

I-FLEXni Jun Nardo VISIBLE ngayon sa showbiz events ang isang aktor na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *