Thursday , June 4 2026

Problema sa tubig bibigyan ng solusyon — LLDA

Pinangunahan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagtitipon ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan at lipunan upang makabuo ng pangmatagalang solusyon sa lumalalang problema sa tubig at pagbaha sa Laguna de bay Region (LdBR) at sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Adviser for Environmental Protection at LLDA General Manager Sec. J.R. Nereus “Neric” O. Acosta, kinakailangang sang-kot ang lahat sa pagbuo ng viable at long-term solutions sa problema hinggil sa suplay ng tubig at mga pagbaha.

Nabatid na ang dalawang araw na summit na may titulong The Laguna Lake Water and Flood Management Imperative ay isang seminal effort upang pagsama-samahin ang lahat ng stakeholders ng LdBR  o lahat ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar, na may kinalaman sa isyu, upang talakayin ang integrated approaches sa water at flood ma-nagement sa Laguna Lake Basin, na may temang “Towards the Sustainable Resiliency and Adaptive Development of the Laguna Lake Basin.”

Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng iba’t ibang sector tulad ng industry owners, business leaders, pollution control practitioners, LGUs at policy makers, civil society at academe, peoples’ organizations, at community representatives tulad ng mga babae, mangingisda, magsasaka at mga negosyante.

Nagkaroon rin ng exhibition na kinatatampukan ng mga produkto, teknolohiya at mga ser-bisyo ng iba’t ibang stakeholders.

Ang pagtitipon ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) kahapon na magtatagal hanggang ngayon Oktubre 4, 2013 at dinaluhan din nina Sec. Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at  Sec. Florencio Abad ng Department of Budget and Management (DBM).

Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang LLDA at ang Local Government ng Antipolo City, na kinaka-tawan ni Mayor Casimiro “Junjun” Ynares III, bilang  pagpapakita  ng mahalagang partnership upang makamit ang solus-yon sa mga isyung pang-kalikasan.

Ang summit ay kaugnay ng ecological action ng LLDA at ni Acosta sa “tuwid na daan sa luntiang paraan” bilang bahagi ng isinusulong na pagbabago ng pamahalaang Aquino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …