Saturday , July 27 2024

Go ahead impeach me — PNoy (Hamon kina Joker, Miriam)

HINAMON ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ang mga kritiko na sampahan siya ng impeachment case kaugnay sa pamamahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program fund.

Sa harap ng mga mamamahayag, kinontra ni Aquino ang pahayag nina dating Senador Joker Arroyo at Senadora Miriam Defensor-Santiago na ang DAP releases ay illegal at unconstitutional at maaaring magamit bilang ground para sa impeachment.

“Isulong nila kung palagay nilang tama sila pero kakabasa ko lang sa Constitution, meron authority sa savings to put to other uses basta nandoon sa ating budget. Nakatoka naman ‘yun supposed to be for projects that are already authorized by Congress. Since they were both senators, one would assume that they would either supportive of the budget or they were not successful to alter the budget,” pahayag ni Aquino.

Itinanggi niyang ang DAP ay ginamit bilang suhol sa mga senador makaraan ang Corona trial.

Ang kontrobersya sa DAP ay nagsimula nang ibunyag ni Senador Jinggoy Estrada na may mga senador na tumanggap ng P50 million mula sa DAP funds makaraan ang impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona.

(ROSE NOVENARIO)

BSA PUMALAG SA BANSAG  NA ‘PORK BARREL KING’

BUMUWELTA si Pangulong Benigno Aquino III sa bansag ng mga kritikong siya ang “pork barrel king.”

Sinabi ng Pangulong Aquino, napakarami ng mga nagawang reporma gaya ng pag-iwas sa re-enacted budget at pagbawas ng kakayahang mamudmod o diskresyon.

“Ulitin natin ha, “Pork Barrel King.” So, dati reenacted budget. ‘Yung reenacted budget meron nang natapos na proyekto, programa— savings. Ayaw natin ng reenacted budget either in full or in portion. Pinilit natin ma-enact ‘yung budget at the right time para wala na nga ‘yung kakayahan na magkaroon ng pondong biglang ipamumudmod,” ani Pangulong Aquino.

“So ulitin na naman natin, ano, tinanggal ko na naman ‘yung kakayahan ko na mamudmod, di ba, binawasan ko. Walang namilit sa akin. Walang nagturo sa akin niyan, walang nag-insist, di ba, pero ginawa ko. So marami na akong ginawa e tapos tatawagin nila akong “Pork Barrel King,” medyo,  sa  totoo  lang, Executive ‘yung gagastos ng national budget, okay, napaka-ingat natin kung paano gastusin.”

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *