Tuesday , May 28 2024

Away nina Enchong at Enrique, tumindi pa!

INAANI na ni Echong Dee ang bunga ng pagtitiyaga niya sa loob ng pitong taon, dahil sa pagtatapos ng Muling Buksan ang Puso, isang bagong teleserye at isang pelikula ang isusunod niyang gagawin.

Hindi nakapagtatakang inuulan ng suwerte ang batanng actor dahil bukod sa mabait at masipag, tunay na kahanga-hanga siya sa mga teleseryeng kanyang nilalabasan. Tulad dito sa Muling Buksan ang Puso na sinasabi niyang ‘most challenging role’, hindi siya nagpapahuli sa mga veteran actor na kasama niya.

At sa pagtatapos ng seryeng ito, lalong nagliliyab ang digmaan ng kanilang mga karakter ni Enrique Gil.

“Mas matindi po ang mga susunod na tapatan nina Leonel (Enchong) at Francis (Enrique) lalo na ngayong nalantad na ang mga lihim na nag-uugnay sa aming pamilya–na ang ama kong si Anton (Christopher de Leon) ay maghihiganti laban sa pamilya ni Donya Adelina (Susan Roces) na nang-api sa kanyang pamilya noong araw,” kuwento ni Enchong na lubos din ang pasasalamat sa lahat ng manonood na pumupuri sa kanyang pagganap.

Tulad ni Enchong, malaki rin ang utang na loob ni Enrique sa teleserye nilang nagbigay sa kanila ng pagkakataong patunayan ang kakayahan nila sa larangan ng pag-arte.

“Dahil sa ‘Muling Buksan Ang Puso,’ mas naipakita namin nina Enchong at Julia ang kaya naming gawin sa drama. Proud kami na ang teleserye namin ay hindi lamang basta nagpakilig kundi nagbukas ng puso ng TV viewers sa isang kuwentong sumasalamin sa tunay na pinagdaraanan ng ilang pamilyang Filipino,” ani Enrique na matapos ang serye ay magiging mas abala naman sa kanyang upcoming Star Cinema movie at solo concert sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 29.

Masayang-masaya naman ang leading lady nina Enrique at Enchong na si Julia Montes sa espesyal na tagumpay na nakamit ng kanilang teleserye.

“Sa pagsasara ng serye namin sa October 4, masasabi po namin na fulfilled kami sa pagbibigay ng de-kalibreng programa sa viewers. Sulit po ang lahat ng puyat at pagod namin dahil simula nang mag-pilot kami noong July 8 hanggang ngayon, damang-dama po namin ang pagmamahal ng tao dahil sa consistent high ratings namin,”giit naman ni Julia na mas kinilala ang talent sa acting dahil sa pagganap niya bilang si Sarah.

Kaya huwag palampasin ang huling mga gabi ng Muling Buksan Ang Puso, pagkatapos ng Got To Believe, sa ABS-CBN Primetime Bida.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

blind item woman man

Television/event host gigil sa baho ng male starlet

HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung …

Leo Dominguez Ogie Alcasid

Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin

NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *