Monday , May 16 2022

Pagtalakay sa pork barrel scam, tuloy-tuloy sa The Bottomline

TATALAKAYIN ng The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado (Setyembre 28) ang matinding epekto sa sistema ng politika sa Pilipinas ng kontrobersiyal na priority development assistance fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Sa pagpapatuloy ng The Pork Barrel Interviews special, makakaharap ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang Bayan Muna Representative na si Neri Colmenares upang ipaliwanag ang mga isyu sa likod ng P10-B pork barrel scam na umano’y pinangunahan ni Janet Lim-Napoles.

Sino ang mga dapat managot sa isa sa pinaka-kontrobersiyal na kaso ng korupsiyon sa bansa? Totoo ba na PDAF ang tunay na habol ng mga politiko sa kanilang pagpasok sa gobyerno?

Sa palagay ni Rep. Colmenares, posible bang makulong ang mga senador at kongresista na sangkot sa mga ilegal na transaksiyon at paggamit ng pera ng taubayan?

Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang ikatlong linggo ng The Pork Barrel Interviews special ng 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Showna The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado, pagkatapos ng Banana Split. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Aiko Melendez Marthena Melendez Jickain

Aiko Melendez, perfect example ng isang tunay na public servant

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG araw matapos maiproklama bilang Konsehal ng 5th District ng …

Mahal

Fans ni Mahal nakasuporta pa rin kahit wala na ang komedyante

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Luy, bunsong kapatid ng namayapang komedyana na si Mahal, na …

Aiko Melendez Oplan Baklas

Oplan Baklas ni Konsi Aiko kapuri-puri

MA at PAni Rommel Placente ISA si Aiko Melendez sa pinalad na manalo sa nagdaang eleksiyon bilang …

Robin Padilla Aljur Abrenica

Aljur kay Robin — He deserves to be number one, he has a heart

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT about the (ex?) son-in-law na si Aljur Abrenica? Tinanong ko si …

Robin Padilla Kylie Padilla

Kylie ipinagmalaki si Robin — Parte ng pagkatao niya ang tumulong

HARD TALKni Pilar Mateo OO na! Kahit ano pa ang gawin at sabihin natin, milya-milya …

Leave a Reply