Tuesday , June 23 2026

Supot ang paputok ni Denggoy Estrada

MALAKAS ang ugong ng mga bali-balitang magkakanya-kanyang palusot na raw ang mga sangkot sa PORK BARREL SCAM. Siyempre expected na ‘yan. Ang masaklap dito, mga kanayon, tila may planong idamay na ng mga sangkot ang buong institusyon ng Tongreso. Tulad na lang nitong paputok umano ni Sen. Denggoy, este Jinggoy Estrada na magsisiwalat daw ng lahat ng kanyang nalalamang pinagkakitaan ng kanyang mga kasamahan. Kumbaga, sabi nga ni Sen. Franklin “Porky” Drilon, may nagparating na sa kanya na, “IF I FALL, YOU WILL FALL WITH ME.”

Sa madaling salita, SUSUNUGIN ANG BUONG BAHAY PARA MALITSON ANG BABOY.

Ibig ko pong sabihin ay pork barrel. Kapag nangyari ito, hihina ang institusyon dahil mawawalan ng kompiyansa ang taong bayan sa mga senaTONG at TONGresman. Kapag nangyari na ‘yan, malamang pumasok na ang military para isaayos ang magulong sistema. Hanggang sa isinusulat ko ito, matindi pa rin ang banta ni Estrada sa kanyang gagawing pagsisiwalat sa isang PRIVILEGE SPEECH. Bombshell ang tawag niya rito. Pero gaano ba kalakas ang pasasabugin ni Jinggoy? Hindi kaya sa kanyang mukha pumutok ito?

Sa ganang akin, anoman ang ikanta ng SEKSING mambabatas, tiyak na sa kanila rin tatama. Damay-damay na nga. Tsk. Tsk.

Walang lihim na hindi nabubunyag, Mr. Senator. Naalala pa kaya niya ang panghihiyang ginawa kay GENERAL ANGELO REYES? Kung buhay si Reyes ngayon, malamang sobrang halakhak at tuwa ang ikamamatay niya dahil sa karmang tumatama sa nagmamalinis na senaTONG.

Well, ganyan talaga ang buhay. Weder-weder lang. Minsan ang nang-uusig ang siya namang uusigin. Inuusig kaya ng konsensiya nila ngayon sina JPE, Estrada at Bong Agimat at kanilang mga kakutsaba sa naturang scam?

Palagay ko’y hindi. Wala namang konsensiya ang mga dinapuan ng sandamakmak na salapi.

UMUWI KA NA, ATTY. GIGI REYES

Total malinaw na inilaglag na siya ng dating kasintahan, este boss pala, na si JPE, mas mainam kung uuwi na rito si Gigi Reyes para sagutin at harapin ang mga kaso laban sa kanya. Kasabwat daw umano si Ma’am Gigi sa pandarambong ng kuwarta ng bayan. ‘Yun nga lang nagtatago ngayon sa ibayong dagat ang abogada. Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Reyes na isang malaking PAGTATAKSIL ang ginawa ng kampo ni Enrile nang sabihing hindi awtorisado ni Manong ang mga transaksiyon kay Napoles. Paktay kang bata ka!

Ano ang masasabi mo rito, Mr. Inky Reyes? Gusto ko HAPPY KA!

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …

Renz Verano

Concert ni Renz Verano sa Tanghalang Pasigueno matagumpay

MATABILni John Fontanilla PINALAKPAKAN at talagang ikinasiya ng mga taong nagtungo sa concert ni Renz Verano, …

Gerald Santos Liwanag at Dilim

Gerald Santos bibida sa Liwanag at Dilim

MATABILni John Fontanilla MALAKING karangalan kay Gerald Santos ang makasama ang ilan sa mahuhusay na actor sa …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez nakisaya sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Chicago

NAKIBAHAGI ang kilalang Filipino-American community figure na si Nick Vera Perez (NVP) sa engrandeng pagdiriwang ng ika-128 …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …