Standard ng rice self sufficiency ibinagsak (Taggutom nagbabadya sa Pinoys?)

Babaan ang pamantayan para lang maabot ang layunin?
Ito ngayon ang lumalabas na estratehiya ng Department of Agriculture (DA) upang maabot ang rice self-sufficiency target na itinakda nito, ayon kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, na kumastigo sa ahensya noong Huwebes sa pagdinig ng House Committee on Agriculture at ng Special Committee on Food Security.
Tumaas ang tensyon sa nasabing pagdinig matapos malaman ng mga kasapi ng dalawang komite ang balakin ng DA na i-โrecalibrateโ at babaan ang target sa produksyon ng bigas ngayon taon upang maituring lamang na โrice self-sufficientโ sa bigas ang bansa. Ito ay upang isaalang-alang ang mga โbali-balitaโ na ang kinukonsumo ng bawat isang indibidwal o per capita consumption ng bigas sa bansa ay bumaba sa taunang 115 mula 119 kilo kada tao.
โPer Capita na naman ngayon ang dahilan. Iyan ang problema sa gusto ninyo (DA at NFA). Ang gusto ninyo, parang huwag tayong kumain ng bigas para tayo maging self-sufficient! Parang โyun ang gusto ninyo e,โ naiinis na sinabi ni Alejano sa hepe ng DA-Bureau of Agricultural Statistics (BAS), Assistant Secretary Romeo Recide.
Si Recide ang isa sa mga pinuno ng DA na kinumbida ng Mababang Kapulungan nang linggong ito upang bigyang linaw ang totoong kalagayan sa suplay ng bigas ng bansa sa gitna ng mga ulat ng malawakang kakulangan at pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.
Inamin ng DA sa nasabing pagdinig na ipinatawag ng Kongreso bilang pagtugon sa House Resolution No. 247 na inihain ng Magdalo Partylist. Sa naturang resolusyon, sinabingย nahuhuli na o kukulangin ng 2.5 milyon metriko tonelada (MT) ang DA sa target nitong produksyon ng bigas sa bansa ngayon taon upang maituring itong โrice self-sufficient.โ
Naibunyag din ng nasabing ahensya na ang imbentaryo ng bigas na hawak ng NFA ay kulang ng 500,000 MT upang tugunan ang pangangailangan ng bansa hanggang matapos ang taon kasalukuyan.
Ayon sa BAS, ang produksyon ng bigas sa bansa ay maaaring umabot lamang ng 18.45 milyon MT ngayon taon. Kulang ito ng higit 2.5 milyong MT sa 21 milyong MT na itinatakda ng 2011-2016 Food Staples Security Program (FSSP), ang polisiya at patakarang ibinalangkas at ipinapatupad mismo ng DA.
Matapos ang masinsinang paggisa ng mga mambabatas, ibinulalas ni Recide na pinag-aaralan ngayon ng DA kung maaaring magsagawa ng pagbabago o โrecalibrationโ sa rice self-sufficiency target ng ahensya.
Ani Recide, โone of the factors that is being looked atโ (isa sa mga isinasaalang-alang) ng ahensya sa pagbabago โto ease upโ o bigyang-kaluwagan ang target ng ahensyaย ay ang bagong pagtaya sa per capita consumption na bumaba umano sa 114 hanggang 115 kilo mula sa dating 119 kilo kada tao.
MGA BODEGANG KAKALOG-KALOG
Nasabon din ang National Food Authority (NFA) sa nasabing pagdinig nang hindi maipaliwanag ni NFA Administrator Orlan Calayag kay Bulacan Rep. Jonjon Mendoza ang dahilan sa pagdalang ng delivery ng bigas saย Bocaue, Bulacan sa gitna ng mga pagtitiyak na sapat ang supply ng bigas.
โDoon po sa Intercity, laging traffic dahil may dumarating na trak-trak ng bigas dati. Ngayon, pwede kang mag-bowling, pwede kang mag-basketball sa mga bodega. Ang tanong ko lang, nasaan โyung bigas with all these figures na pinapalabas ninyong may bigas?โ pagtatanong ni Mendoza.
HATAW News Team
