Tuesday , June 23 2026

Malayang komisyon ang dapat mag-imbestiga sa sinasabing pork barrel scam

LUMALABAS yata ngayon sa mga ulat na talagang kilala ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III si Janet Napoles, ang sinasabing may isa sa may pakana ng multi-bilyong pork barrel scam, kahit nuong bago lamang siya sa kasalukuyang poder.

Bukod dito ay may mga lumalabas ding mga ulat na may bahagi sa presidential discretionary funds (pork barrel ng B.S. Aquino) na napunta sa mga pekeng non-government organizations na hawak daw ni Aling Janet.

Dahil dito ay lumutang ang mga panawagan mula sa ilang sektor na dapat ma-impeach si B.S. Aquino sa lalong madaling panahon o kundi man ay dapat na niyang tuluyang alisin ang pondo para sa pork barrel sa pambansang budget. Hindi ko masisisi kung may mga manawagan ng ganito sapagkat may mga pangyayari kamakailan na maaring nagbigay kulay sa mga kilos ni B.S. Aquino kaugnay ng usapin ng pork barrel.

Una, itinanggi ng ni B.S. Aquino na na kilala niya si Aling Janet pero lumutang ang ilang litrato na kasama niya ito. May litrato rin na lumabas na ang kasama niya ay ang anak nitong babae.

Pangalawa, may lumabas na sulat si Aling Janet na humihingi ng tulong sa pangulo mga apat na buwan bago siya nasangkot sa kontrobersya. Batay sa sulat na ito lumalabas na magkakilala sila ni B.S. Aquino at may relasyong magkaibigan.

Pangatlo, ayon kay dating Senador Kit Tatad sa kanyang kolum ay sabay na kumain si Aling Janet at ang pangulo sa Malacanang bago siya iniharap sa media nuong sumuko siya, isang indikasyon na talagang magkakilala sila. Hindi lumabas ang detalyeng ito sa mga pahayagan maliban sa kolum ng dating propagandista ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Pang-apat, nagulantang ang lahat ng si Aling Janet ay sumuko sa pangulo. Inistima siya nito at inihatid pa sa Camp Crame, ang punong tanggapan ng Philippine National Police. Marami ang nagsabi na ang ginawang pagtanggap at mainit na pagharap ni B.S. Aquino kay Aling Janet ay indikasyon ng “VIP” treatment, isang bagay na itinanggi ng Malacanang. Natural lang daw iyon dahil ibig ng pangulo na lumabas ang katotohanan.

Kayo na mga giliw kong mambabasa ang magpasya kung talagang hindi kakilala ni B.S. Aquino si Aling Janet, kung walang VIP treatment at kung hindi maluluto ang kaso kaugnay ng pork barrel scam.

* * *

Siguro para mawalan ng bahid ng duda ang mga boss ni B.S. Aquino ay isang malayang komisyon ang dapat itatag nito para mag-imbestiga ng sinasabing scam. Dapat pangunahan ang komisyon ng mga taong hindi mapapsubalian ang integridad. Dapat din na may sapat itong na kapanyarihan at proteksyon para isagawa ang kaukulang imbestigasyon.

Kung sakaling matukoy ng komisyon na totoo ang scam at makilala ang nasa likod nito ay maaring nitong gawing batayan ang resultang ito sa pagsasampa ng kaso sa Tanggapan ng Ombudsman.

Dapat bantayan ng natin hanggang sa katapusan ang kalalabasan ng imbestigasyong ito. Hindi tayo dapat maging kampante sa hinaharap at muli pang mag-pabola sa mga pul-politiko.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …

Renz Verano

Concert ni Renz Verano sa Tanghalang Pasigueno matagumpay

MATABILni John Fontanilla PINALAKPAKAN at talagang ikinasiya ng mga taong nagtungo sa concert ni Renz Verano, …

Gerald Santos Liwanag at Dilim

Gerald Santos bibida sa Liwanag at Dilim

MATABILni John Fontanilla MALAKING karangalan kay Gerald Santos ang makasama ang ilan sa mahuhusay na actor sa …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez nakisaya sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Chicago

NAKIBAHAGI ang kilalang Filipino-American community figure na si Nick Vera Perez (NVP) sa engrandeng pagdiriwang ng ika-128 …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …