Alcala resign โ Lawyer
HININGI kahapon ng abogadong si Argee Guevarra ang pagbibitiw ni Department of Agriculture (DA) Secretay Proceso Alcala matapos mapag-alaman sa pagdinig ng Mababang Kapulungan nitong Huwebes na hindi kakayaning maabot ng bansa ang target na maging self-sufficient sa bigas ngayon taon.
Sa ulat, inamin ng mga opisyal ng Department of Agriculture na kukulangin ng higit sa 2.5 milyong metriko toneladang (MT) bigas ang produksyon ng bansa ngayon taon kompara sa target para sa 2013. Kasabay nito, napag-alaman din na kakailanganin ng bansa na umangkat ng 500,000 MT bigas upang matustusan ang pangangailangan hanggang matapos ang kasalukuyang taon.
Salungat ang pag-aming ito ng mga opisyal ng Kagawaran ng Pagsasaka sa mga kasapi ng House Committee on Agriculture at ng House Special Committee on Food Security sa paniniguro ni Alcala sa publiko noong Marso na โhindi tayo madidiskaril sa ating mithiing makamit ang kasapatan sa produksyon ng bigas bago matapos ang taon kasalukuyan.โ
Sa harapang pagtatanong ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano kung kakayanin ng bansa na maging sapat ang produksyon sa bigas ngayon taon, ang sagot ni Assistant Secretary Romeo Recide ng Bureau of Agricultural Statistics ay โthe answer is no.โ Bilang katunayan umano, kakailanganin pa natin umangkat ng kalahating milyong metriko toneladang bigas upang mapunan ang pangangailangan ng bansa.
Ang Food Staples Self-Sufficiency Roadmap (FSSR) 2011-2016, na ibinalangkas ng DA at ng NFA ay nagtatadhana sa 21 milyong MT bilang target sa produksyon ng bigas upang tuluyang matamo ang mithiin sa kasapatan ng nasabing produkto. Ang pinakamalaking maaaring anihin ng ating bansa, ayon sa ulat na ibinigay ni Recide sa mga kasapi ng dalawang komite ng Mababang Kapulungan, hanggang matapos ang taon ay aabot lamang sa 18.45 million MT bigas.
Sa kabila ng pag-amin ng BAS, sinabi ni National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag, kahit malaki ang kakulangan ng bansa sa produksyon ng bigas, maaabot pa rin ang kasapatan sa suplay nito dahil โmay sobra pang dalawang milyong metriko tonelada sa ating imbentaryo mula sa nagdaang taon.โ Agad kinontra ni Alejano ang paliwanag ni Calayag.
Ang โrice self-sufficiency ay tungkol sa produksyon ng bigas ng ating bansa, hindi sa kasapatan ng suplay nito. Kasapatan para sa ating bansa ang pinag-uusapan dito na ang tinutukoy ay ang kakayahan natin sa produksyon ng bigas na sapat sa ating pangangailangan,โ ayon kay Alejano.
โIbig sabihin, binigo ninyo ang self-sufficiency program dahil hindi ninyo naabot ang target,โ diin ng mambabatas.
Si Alejano ang may-akda ng House Resolution No. 247 na nagpatawag ng pagsisiyasat.
โHindi nagsisinungaling ang numero lumalabas na ang 500,000 MT na binabanggit ni Recide ay ang aktwal na kakulangan natin sa suplay ng bigas kahit pa nga may sobra pang imbentaryo mula noong nagdaang taon,โ ani Guevarra na dumalo bilang resource person sa naturang pagdinig.
โSa usapin ng produksyon, mahigit dalawaโt kalahating milyong metriko tonelada ang hindi kayang anihing bigas. Ito ay ayon sa mga itinatadhanang target at datos ng pamahalahaan.โ
Idinagdag ni Guevarra na โnakahihiya ito sa Pangulo. Isang kahihiyang ang Kalihim ng Pagsasaka pa ang may dulot, dahil sa kabiguang tuparin ang mga paulit-ulit na ipinangako sa Pangulo,โ ayon kay Guevarra na naglahad sa mga anomalya sa pag-aangkat ng bigas ng DA at NFA nitong Abril lamang ngayon taon.
โAng masama nito,โ ani Guevarra, โnagtangka pa si Alcala na pagtakpan ang mga kabiguang ito ng kanyang ahensya sa mata ng Pangulo sa pamamagitan ng mga mali at mapanlansing datos at paninisi sa mga โdi-pinangalanang grupo.โ
โMarami na ang napagbalingan ng sisi sa higit na pagkakamli. Gawin sana ni Alcala ang mas marangal na hakbang. Dapat na siyang magbitiw,โ panawagan ng abogado,
Mula sa mga datos halaw sa estadistika ng DA, magiting na idineklara ng Pangulo sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong Hulyo na โnasa targetโ ang bansa alinsunod sa itinadhana ng rice self-sufficiency roadmap.
Inamin din ni Calayag sa pagdinig na ipinatawag ng dalawang komite sa Mababang kapulungan ang kasalukuyang pagpapatupad ng programa sa rice self-sufficiency ay lalong nagpataas ng presyo ng bigas.
โDahil ang ating bigas ngayon ay locally procured, kahit iyong nasa pribadong sektor na nanggagaling ang suplay ng bigas sa Isabela, ito ay nakadaragdag pa ng piso sa kada kilo ng bigas bago pa man dumating ang bigas sa Kalakhang Maynila,โ pahayag ni Calayag sa dalawang kumite.
โSa kanilang sariling pananalita na mismo nanggaling na kulang ang ating produksyon o ani at paubos na ang ating suplay. Ngayon, may ganito pang pag-amin na nakadagdag sa pagtaas ng presyo ng bigas ang programa nilang ipinapatupad? Kailangan na talagang magbitiw ni Alcala,โ hirit ni Guevarra.
HATAW News Team

