Saturday , May 18 2024

P18/100 kWh dagdag singil ng Meralco

INIHAYAG ng Manila electric Company (Meralco) na magdadagdag sila ng P18 sa kada 100 kilowatt (kWh) na konsumo ng koryente ngayon buwan.

Gayonman, halos hindi anila mararamdaman ng konsyumer ang pagtaas ng singil sa koryente dahil kadalasan naman sa mga household ay hanggang 100kWh lamang ang konsumo sa isang buwan.

Ayon sa Meralco, bagama’t bahagyang bumigat ang generation and transmission charges bunsod ng paggalaw ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na 13 sentimos kada kilowatt hour at ancillary service component ng transmission charge na 8 sentimos kada kWh, ito ay pinagaan ng tatlong sentimos na natapyas sa Power Supply Agreements (PSAs) at presyo ng Independent Power Producers  o IPP.

Ayon pa sa Meralco, higit na mas mababa ang generation charge na P5.17 per kWh ngayong buwan kaysa P5.79 per kWh noong buwan ng Enero.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *