Friday , February 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LRT 1, 3 oras ‘tumirik’ (Kable ng koryente nasira)

MULING nagkaaberya ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 makaraang masira ang kable na nagsusuplay ng koryente sa mga tren sa bahagi ng R. Papa Station sa Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, dakong 10:00 ng umaga nang mag-umpisa ang aberya at nagkaroon ng “tripping” ng “catenary line” sa pagitan ng R. Papa at Abad Santos.

Sinabi ni Cabrera, ang “catenary line” ang nakasabit na kable na konektado sa mga tren na nagsusuplay ng koryente para tumakbo ang LRT.

Agad nagsuspinde ang operasyon ng LRT mula Roosevelt Station hanggang Blumentritt Station dakong 10:15 ng umaga.

Lumala pa ito makaraang umabot mula Roosevelt hanggang Central Station ang pagkahinto ng operasyon.

Dahil dito, libo-libong pasahero na regular na sumakasay sa LRT ang nagsiksikan, nagkatulakan at nagkapikonan sa mga pila sa mga estasyon na umabot ng lagpas 300 metro.

Dakong 1:30 na ng hapon nang matapos ang pagkukumpuni sa “catenary cable” at maibalik sa normal ang operasyon ng LRT 1.

Nauna rito, inamin ni Cabrera na nasa 26 tren lamang ang umaandar sa Line 1 dahil may mga problema ang ibang mga tren kaya naging mabagal ang pagdating sa mga estasyon.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Senate Senado

Lengguwahe ‘pinalambot’
Blue Ribbon Committee report walang binago sa rekomendasyon

ni NIÑO ACLAN MAS pinalambot ang lengguwaheng ginamit sa ilalabas na committee report ng Senate …

arrest, posas, fingerprints

Puganteng Ruso timbog sa Cagayan

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang Russian national na nakatalang wanted person sa regional level …

Swiss Knife Blood

Sa Baseco, Maynila
Binatilyo todas sa saksak ng isa pang menor de edad

BINAWIAN ng buhay ang isang 15-anyos binatilyo nang saksakin ng isang kapwa menor de edad …

PNP PRO4 Calabarzon

Sa CALABARZON
ANTI-ILLEGAL DRUG OPS ISINULONG P2.7-M ILEGAL NA DROGA NASAMSAM

CAMP BGEN VICENTE LIM — Malaki ang naging epekto ng ilegal na droga sa CALABARZON …

Arrest Posas Handcuff

Tirador ng mga karinderya sa Bulacan
HOLDAPER NAPERDE SA TUGIS NG PULIS

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang tirador ng mga karinderya sa …